Episode #39.2 ~ two hearts wrapped in arms

112 2 1
                                    

Namumula na ako, umuwi akong PULA sa kakakurot at sa sobrang in lab. Out of the ordinary ang pakiramdam, para kang magla-landing sa moon! Kabado parin ako, hindi ko alam ang gagawin ko, ni hindi ko nga alam kung bakit ako nandito ngayon sa apartment nila Gale eh! 

"I-Insan?!" nalaglag ni Gale yung hawak niyang ice cream sa gulat. Paano naman kasi nakita nalang niya ako dito sa gilid ng sofa nila, nakaupo at parang na-paralyze. "Okey ka lang ba?!" lumapit siya saakin at overacting na chineck ang pulso ko. "Langya naman ‘to oh!" sabay batok. 

"Aray ko naman!" 

Umupo siya sa tabi ko. "Ano nanaman yang drama mo? Kala ko naman eh napano ka na. Tignan mo, nalaglag ko pa yung ice cream ko sa eksena mo. Aish." hindi ako sumagot sabay tingin ko ng malalim sakanyang mga mata. 

"Si Prince, si Prince binalikan ako!" hysterical mode.

"HUWAAAAAAT?!" na-itsa niya yung hawak niyang tissue. "OMG. Ano daw sabi ano daw?! Alam ko, binalikan ka niya kasi he  cares for you right? Naks naman Nia, sabi ko na nga ba babalikan ka din niya eh --! "walang imik nanaman ako, may bumabagabag kasi sa isip ko. 

"Gale, nag-wo-worry lang ako, kasi baka hindi naman totoo ang rason niya kung bakit niya ako binalikan, nag-dadalawang isip pa ako kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi, natanong ko na nga siya, nag-OO naman siya, pero … kinakabahan parin ako ngayong nandito na siya. Tinakbuhan ko siya bigla. Walang akong ka-ide-idea kung bakit ko ginawa yon, ang banggag ko Gale, SOBRA." 

"Nia..? Bakit ka pa nababahala diyan? Buti nga bumalik siya sayo, mas mabuti naman yun kesa sa hindi. And you still TRUST him right?"

"Oo."

"Then why do you have to wait AGAIN? Papalagpasin mo ba ang pagkakataon na nandito na siya ng hindi mo siya pinapansin at tinatakbuhan mo lang diyan? This time, ibang chapter na ‘to, this is the falling action of you and your Blue Cookie’s fairy tale. BETTER GO AND FACE HIM!"

Na-puwersa ako ni Gale para puntahan ulit si Prince. Sa magandang palad, nasa labas lang pala siya ng gate namin – nakaabot ang pag-takbo ko palayo sakanya hanggang mag-gabi na. Naka-parke ang kotse niya sa gilid at nakupo siya sa bumper, NAGHIHINTAY PARA SAAKIN. Sumilip-silip lang kami ni Gale, naiinip na yung itsura ni Prince, kanina pa tingin ng tingin kung may lalabas ba sa black gate. Bumulong nalang saakin si Gale ng “GO” at lumabas na ako.  

"H-Hi Prince!" hibang na pag-greet ko. 

"Waaaaah! Saan mo ako dadalhin?!" hinatak niya ako papunta sa loob ng kotse. Siya na mismo ang naglagay ng seat belt para saakin, pinainit niya ang makina pagkatapos umalis na kami. 

Wala akong kamalay malay kung saan kami papunta, basta drive lang siya ng drive ng kotse niya. Ang bilis niyang mag-drive, nahilo pa nga ako kasi parang sumasakay ako ng roller coaster eh!

"Hinay hinay lang naman! Saan mo ba ako dadalhin?!"

"Ki-Kidnappin kita, bakit?"

"A-ANO?!" pakungyaring shocking moment of my entire life pa ako."SUSUMBONG KITA SA PULIS! BABA MO NGA AKO!"  

WTF. THIS RIDE IS GETTING SO GOOD! 

Wala namang dalang scatchtape si Prince na pang takip sa bibig ko, o kaya tali para itali ako loob ng kotse niya. Ibang klaseng pag-ki-kiddnapp ang ginawa niya, naglakad lakad lang kami sa isang kalsadang mala-Park na ang dating, konti lang ang tao … mga vendors lang madalang na tumatambay, akala ko nga luneta park!

"Psst. Prince ko," 

Ang tahimik niya habang naglalakad kami. "Bakit bigla kang tumahimik diyan?" sabay ngiti at lingon ko sakanya. Kinikilig ako, sobra kasing lapit namin sa isa’t-isa. I can feel his smooth skin; I can feel his whole left arm! Ang init init niya ~ na-iinlab nanaman ako, kaya ito, ang aking mahinang kamay, dahan dahang kumapit sa braso niya. 

Kinagat ko ang labi ko dahil hindi niya ito tingangal, hinayaan lang niya akong gawin ang gusto ko. 

"Kala ko tuluyan mo na akong iiwan." bulong ko sakanya. "Alam mo ba halos ma-baliw na ako nung wala ka? Saan ka ba kasi napadpad bukod sa paglipat mo ng bahay? At bakit bigla kang nagkaron ng kotse? Bakit for 3 weeks hindi ka pumasok sa school?"

"Nag-advance examination ako, kinausap ko si Sir Torres dahil sa paglilipat ko, gusto ko kasing ayusin ang bagong condo ko, at – sinadya kong tumagal para masubukan ko ang sarili ko kung hanggang kelan kita hindi matitiis." nangilabot ako sa kilig. "Tama nga, hindi kita natiis. For 3 weeks binabangungot ako ng dahil sayo."

"BINABANGUNGOT?!"   

Kilig na sana kaso may pa-epal pang salita ‘tong si Prince eh. Hindi parin siya nagbabago. Wow. Typical Prince parin talaga, nakukumsumido na ako paunti-unti …!

"Buti nga ako nababaliw na! Ibig sabihin nun miss na miss na kita! Gusto na kitang makita agad, parang mauuwi na ako sa mental! Kung hindi lang ng dahil kay Russell siguro hindi na kita makikita! Tapos sayo bangungot lang ang na-experience mo nung wala ako? Ano ba naman yan Prince? Kala ko ---- "

Hindi inaasang madali niya akong hinatak agad para yakapin ako. Konting gulat lang ang reaction ko sa ginawa niya. Kahit nag-uumpisa na ang drama hindi ako naiiyak. Hindi ko ramdam ang umiyak. Nagtaka lang ako. 

"Pwede bang ganito muna tayo pansamantala?"

Ang higpit ng yakap niya, wala siyang balak paalisin ako sa pwesto. 

"Binangungot ako dahil na-mi-miss din kita. Okey na ba yun sayo?"

"Sus … kungyari ka pa diyan eh."

"Katulad mo rin ako, walang kaalam alam sa mga ganito. Basta ako, gagawin ko nalang yung mga sinulat mo sa diary mo, yung mga magagandang bagay doon tutuparin ko, at balak kong gawin yun lahat – kahit anong mangyari. Ano? Pwede na ba yun? I will try my best Nia, hindi naman masamang sumubok diba? Ganyan ka namang tao. hindi nawawalan ng pag-asa. Gusto kong maging katulad mo, susubukan ko kahit mahirap ... "

Dati na talaga ganito si Prince, isa ng taong malamig pa freezer kung umasal. Pero kahit man ganun, meron naman siyang determinasyong mas mag-improve pa. Tanggap ko naman na hindi pa siya ganito ka perfect. At syempre, naiintindihan ko naman siya dahil doon. 

"I'm so sorry sa lahat ng nagawa ko sayo dati, gusto mo bang matagal pa ang pag-yakap na gagawin ko sayo? Ito lang kasi ang paraan para mapatawad mo ako."

"Can we stay like this until TOMORROW?"

Buang nanaman ang iniisip ko dahil alam kong hindi naman mangyayari yun. Pero malay mo, mangyari? Hindi naman masamang mangarap. Pinatawad ko na siya noon pa. Hindi na niya kailangang humingi pa ng patawad.

Lumapit pa ako ng maiigi para mas lalo akong mapadikit sa buong katawan niya. 

Mas lalo ko ring hinigpitan ang pagyakap; kumapit pa ako ng maiigi sa balakang niya sa pamamagitan ng dalawang kamay ko – but of course, hindi ko rin nakalimutang ngumiti. 

THE LEGEND OF THE BLUE COOKIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon