Episode #8 ~ amo, huli ang pusa!

181 5 0
                                    

Freezing point of negative 100 ang nararamdaman kong lamig ng kamay ko habang nakaupo ako dito sa magarang upuan ng mansyon. Katabi si Russell na may hawak hawak na bulaklak, na kailangan kong kunin, at ang nakatayong Prince na naging serbadero. 

"Ako na ang nagtatanong mismo sayo, I want you to be my girlfriend Miss Nia Garcia." 

Nahihilo na ako, hindi ko magalaw yung buong katawan ko. Ayaw kong kunin yung bulaklak na binigay niya saakin. Ayaw kong sagutin ang tinatanong niya. Ayoko. Lalong lalo na nandito pa si Prince Charming ko sa harapan ko. 

Ilang minutong tininginan....

Ilang minutong tininginan....

Ilang minutong tininginan....

Wala pa ring nagsasalita saamin. Dapat ako nga dapat ang sasagot. 

".....ahh...eeehh...ahhh..eee..." Nanginginig yung buong katawan ko. Nanlalamig na parang magkakaron na ng snow dito sa loob ng bahay! 

"HALA YUNG MAMA KO TUMAWAG UUWI NA AKO!" 

Ang gagang babae na tumakbo paalis sa harapan ni Russell. Tumakbo ako paalis ng bahay, tumakbo ng tumakbo palabas. Kahit nagulat sila sa action kong parang natakot sa tanong niya, tumakbo parin ako. Wala na akong pakeelam, kahit...

"N-NIA! SANDALI LANG!" Kahit sigawan man ako ni Russell, hindi na ako babalik sakanya promise! 

Sa wakas! Nakalabas na rin ako. "Breath in....breath out...HINGA...BUGA!"

Teka, may naiwan ata ako... OO!~ Meron nga! Naiwan ko yung bag ko sa loob! DAKILANG TANGA KA NIA! Nandon yung Hello Cookie Love ko! 

***********************

"Oo mama, uuwi rin ako, nandito lang ako sa school, may kukunin lang ako." Sinusubukan kong hinaan yung boses ko, 6 pm na. Kanina pa ako naghihintay dito sa labas ng gate sa bahay ni Russell. Hindi ako umalis dito simula kanina pang tanghali. Iniintay ko kasing may lumabas o kaya may pumasok para makapasok ulit ako. Kasi may nag-lock eh. Nakakainis.

"Sabi daw ni Gale nakipag-date ka daw? Hoy anak! Hindi kita pinalaki para makipag-date ng ganitong ka-late na! Umuwi ka na nga dito kungdi patay ka saakin!" 

Bakit ba ang malas malas ko ngayong araw na 'to?! Kailangan kong kunin sa loob yung Hello Cookie Love ko, hindi ko naman pwedeng iwan yung greatest secret ko doon. Baka mabasa pa nila. Tapos kailangan ko pang umuwi ng maaga. Ano ba 'yan!

Binaba na ni Mama yung cellphone. Ako na rin binaba ko nung nakita ko yung isang guard na naglalakad na palabas ng gate. Na-alert ako, kaya pumunta agad ako sa gilid at nag-sneak in na parang akyet bahay. Buti nalang sanay ako sa mga ganito. Kaya nakapasok agad ako ng wala sa oras sa loob.

Kailangan kong maging maingat. Baka nandito pa si Russell. Or maybe...baka nasa living room pa si Prince, baka makita nila ako. =X 

Ayos. Mukhang wala ng tao sa living room. Chi-neck ko na yung pintuan kung naka-lock o hindi. Papalapit na ng papalapit yung kamay ko sa door knob ng bigla nalang bumukas yung pinto! TAGO~!

"(Sigh) I can't stand that child anymore. Lagi nalang niyang minamaliit si Prince. Prince can never have that bad treatment from me."

S-Sino 'to? Dalawang babaeng mukhang donya ang itsura. Di kaya isa dito yung mommy ni Russell? Sino yung isa? Sino silang dalawa? 

"Hayaan mo nalang muna yang anak mo Minerva, nag-se-selos lang yan. Ikaw naman kasi, kung maka-trato ka kay Prince, parang tinuturing mo na siyang totoong anak." 

THE LEGEND OF THE BLUE COOKIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon