Episode #29 ~ his rebellious past

132 4 0
                                    

"Lalo na ngayon wala na akong inaasahan kundi ikaw."

Inaasahan? Tama ba yung narinig ko na nanggaling sa bunganga niyang kay lambot, kay kinis? Nanlaki yung mga mata ko sa paligid ng dilim. Pilit na iniintindi ng mabuti -- pinapasok sa utak at sa puso na totoo yung sinasabi niya. Gising na gising pa naman ako kahit 12:00 na ng madaling araw. Hindi ako nanaginip. Sigurado ako.

"W-what did you say?" Lumapit ako sakaya ng paunti-unti. Nakaupo siya sakanyang malambot na kama at nakatingin parin saakin. "Wala ka ng inaasahan kungdi …. AKO?"

Gulat. Yun lang naman ang naramadaman ko sa mga oras na ‘to. Sino bang hindi magugulat kung ang isang bato ay naging isang malambot na unan? Teka, masyado naman ata akong nanghihinala na MAHAL NA AKO NI PRINCE. Pero hindi pa eh .. isang sentence palang naman ang sinabi niya. Kung mahal nga niya ako, dapat may gawin siya saakin pagkatapos niyang aminin– pero wala eh. Nandito lang siya at nakatitig sa harapan ko, wala siyang ginawang “next move to kiss me.” ika nga. Diba ayun naman ang dapat mangyari?

"Magsalita ka." Umupo ako ng dahan dahan sa dulo ng higaan niya sabay dahan dahang umaakyet sakanya.

"A-anong ginagawa mo?" takot niya. 

"Ang sabi ko, magsalita ka pa." tuloy tuloy parin ang paggapang ng mga kamay ko papunta sakanya. "Hindi pa sapat ang sinabi mo. Hindi pa klaro yun saakin~~"

"B-bakit ka gumagapang diyan?" kaba niya. 

Mas lalong dumilim ang paligid. Kumulog ang langit at pumatak na ang ulan. Ang mga mata ni Prince ay naging owla na sa laki, pilit nilalagay ang sarili niya sa tamang lugar. Habang ako ay seksing-seksi na gumagapang parin papunta sakanya … papunta sa kung saang parte ni Prince na gusto kong mahawakan…. 

"AYIEEE PRINCE AH! TAMA NA YAN!" tumawa ako ng makulit na halos nang-aasar na, nakahinga siya ng mabuti dahil sa wakas tumigil na rin ako sa pagtakot ko sakanya. 

"Sira ulo!" 

"Di nga Prince? Totoo nga yung sinabi mo? " ganadong tanong ko sakanya. "Akin nalang ‘tong photo album na ‘to? Bakit feeling ko hindi ka seryoso sa sinabi mo? Diba parang sinabi mo na rin na you care about me? Edi parang … parang kinompara mo na rin akong isang mahalagang bagay sa buhay mo? Huy Prince! Magsalita ka nga diyan! Sabihin mo na. Sabihin mo na na mahal mo ako! Na gusto mo ako! Totoo naman diba? Please?" 

Nakakunot noo siya sa mga tanong kong mukhang mahirap sagutin. Bigla ba naman akong tinalikuran sabay higa niya ulit sa higaan. Kinumutan ang sarili at nagtago.

"Matulog ka na, inaantok na ‘ko."

Lumapit ako ng maiigi para makuha ko ang dulo ng blanket sabay bukas ko doon para makita ko yung mukha niya. "Ano ba! Wag mo nga akong tulugan!"

"Wag ka ngang mang-istorbo. Kitang matutulog na yung tao." Hinugot niya ulit yung blanket para matakpan niya ulit ang sarili niya. Pero pinigilan ko parin.

"Sige ka! Di ako aalis dito sa tabi mo hanggang di mo sinasabi na lab mo ‘ko!" 

Hindi ba masyadong cheesy yung sinabi ko?  Cheesy nga. Yung mukha ni Prince biglang nangdiri na parang galit. Ang bilis ko naman ata .. shiet naman. Nakakahiya naman ‘tong ginagawa ko, pilit na tinatanong yun, malay mo, hindi naman talaga. Baka mainis lang ako sa sasagutin niya. Lagi naman. 

"Sorry." Lumayo ako ng ilang pulgada mula sakanya sabay simangot ko."Gusto ko lang naman malaman. Oo o Hinde, Yes or No. Maybe or I’m not sure. Kahit isa sa mga doon wala kang masabi?"

THE LEGEND OF THE BLUE COOKIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon