Episode #40 (Final Part) ~ a poem of welcome

168 3 0
                                    

For Ian, Gale & Kuya Mike’s special day, nag plano kaming dalawa ni Prince na mag-ditch paalis ng school para iwanan ang aming practice sa aming Graduation day this upcoming Sunday. Wednesday ng umaga ngayon, pumasok nga kami ni Prince sa school kaso sa umaga lang – pasimple pa kaming pumila sa pinaka-likod ng sabay. Hindi nakatingin si Sir Torres sa likuran at pamuni muni pa siya tumingin sa harapan habang papasok na ang Mapagmalasakit papasok sa loob, agarang nag-hawakan kami ni Prince ng kamay sabay takbo namin paalis sa crowded auditorium.

Nakita ko si Russell na napatingin sa pag-alis namin dalawa, imbis na isumbong niya kami kay Sir, tinawanan lang niya kami at hindi na pinansin pa. Sobrang laki ang pasasalamat ko kay Russell sa lahat ng ginawa niya, lalong lalo ng pinatagpo niya kami ni Prince, for a little reward, binigyan ko siya ng isang “hidden flying kiss” bago kami tuluyang nawala. Buti nalang hindi nakita ni Prince kungdi patay na talaga ako. 

Magkahawak kamay kaming tawang tawa ng pauwi na kami ni Prince sa Baco. Tawang tawa sa innocent look ni Sir Torres, walang kaalam alam na naglaho nalang kami na parang bula sa likod ng linya. Hindi ko mapigilan tawa ko, ni si Prince. Para kaming nakakain ng isang sakong chocolate ngayon araw na ‘to.

"Hindi! Parang ganito yung mukha ni Sir Torres oh," tumingala sa ere si Prince na may kasama pang bukas ng bibig. "Para bang nilalangaw! HAHAHAHA!"

"Wala naman akong nakitang binuksan niya yung bibig niya ah. Nope! Ganito itsura niya," pinamukha ko si Prince na parang akong kawawang batang na-rape. "Tae, ganun! Parang pinagtakluban ng panahon yung pagmumukha niya."

"Tss. Whatever." sabay pingot sa ilong ko. "Araaaaay!" pinalo ko siya sa balikat niya.

"Haha, tara na nga, dalian natin." hinigpitan pa niya ang hawak sa kamay ko at sabay na kaming pumasok sa loob ng black gate.

Mamayang gabi ang despidida party nila Ian, accepted naman na wala na sila sa school dahil kinabukasan na ang alis nila. So lucky, hindi na nila na-experience ang nakakatamad at nakaka-bore na graduation practice! Nakuha na kasi nila ang kanilang mga diploma, wala na silang dapat alalahain pa sa paglalakad sa stage, pag abot ng dimploma, at pag-ngiti sa harapan ng camera.

"Wth, bakit nandito na ang mag-lovers?!"

"Wooow. Sabi ko na nga ba nag-skip eh."

Nakasalubong agad namin sila sa screendoor, hindi nag-aayos ng kanilang final boxing, hindi nag-hahanda ng kakainin namin mamaya, KUNGDI NAGLALANDIAN SA GILID NG SCREENDOOR! 

"Hindi niyo ba alam na banned na dito ang landian!?" galit ko ko sakanilang dalawa ng bigla akong tumingin ng masama kay Ian.  

"Butete! Wag mo ngang mahawak hawakan si Galietot ko." hinatak ko si Gale papasok sa loob, kahit reklamo ng reklamo, hinatak ko parin."Babush na, magluluto pa kami ng pagkain para mamaya. Bleh!" sabay alis.

"Tsk. Girls."

"Oy pare, hindi mo pa ba nilalandi yang si Nia? Landiin mo na para bumigay din, laging kill joy saamin ni Gale yan eh. Lagi nalang. Kaya minsan tinatakbuhan namin yan."

Kala nila tuluyang nawala na ako ah. "HOY! NARINIG KO YUN AH!" nag-transform ang mukha ko into color pink ng makita ko si Prince, natawa si Ian at nilapit pa niya si Prince saakin. 

"Kiss mo muna si Prince bago luto!"  nanlaki yung mga mata ko dahil lapit na lapit na si Prince saakin, namumula na rin sa init. KISS? Oo, nagkakasundo na kami ni Prince, Oo, pagmamalaki kong akin na siya. 

THE LEGEND OF THE BLUE COOKIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon