Episode #21 ~ I guess today is just the beginning.

128 3 0
                                    

NASA PANGANIB PARIN ANG BUHAY KO. Nung nalaman ko na nasa likod ko pala si Prince at sinabi niya ang pinakanakakatakot na bagay sa bung mundo na nalaman na niya ang mga nararamdaman ko para sakanya... 

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!" sabay takbo ko ulit na parang si Sisa. 

Like SISA POREBER. 

Bahala na muna siya sa buhay niya at di ko muna siya makakaharap sa mga oras na ito!

Tuloy parin ang takbo, takbo ng takbo nalang ng biglang --- "Nia~!"Nakabunggo ko si Russell kasama yung dalawang kaibigan niya.

"Russ! Nako! Dali! Doon tayo!" 

Sa sobrang takot at panic ko dahil baka sinusundan nanaman ako ni Prince, hinatak ko si Russell papunta sa loob ng Rotanda Canteen, pinaupo ko siya sa pinaka-dulo at pinakasulok, syempre kasama na rin yung dalawang kaibigan niya. Siguro hindi na ako mahahanap ni Prince dito dahil ang alam ko hindi naman siya nagpupunta dito. 

"Hahaha! Hanep palang 'tong GF mo pare, ang wild."

"Kaya nga, parang kala namin ang hinhin mo, sa ginawa mo palang dun kanina parang tinalunan mo na kami."  

Wild? Aba, sino ba 'tong mga 'to? Di ko sila kilala, di namin sila kaklase, hindi sila Mapagmalasakit ah. Mukha naman silang matatalino at may mga normal na isip. 

"Oh yeah, Nia, I'd like you to meet Jason and David. They're from the cream section."

"Uhm, Hello! Siguro kilala niyo naman ako, I'm Nia Garcia." Sabay breath in breath out tapos sandal ko agad sa upuan, nilabas ang panyo ko, nagpunas ng pawis, then uminom ng tubig ng tuloy tuloy, sabay hingal, breath in breath out.

"Can I ask what the hell happened to you?" 

Nakalimutan ko pala na habang busy ako sa kakapahinga dito sa upuan napatunganga silang tatlo saakin. "W-Wala! Kasi nag-pa-practice ako para sa next P.E, nag-jo-jogging ako every starting recess, that's why hingal na hingal ako. Nyahahaha!" Sana maniwala naman sila saakin, nag-tinginan nalang sila sa isa't-isa.

"Ahm..by the way, Russell told us na magaling ka daw mag-sulat ng stories? Are you a writer?"

"A-Ako? Writer? Hahaha! Nako, wag kayong magloko, hindi ako writer, desperada lang ako tungkol sa mga ganun."  

"It would be great Nia if you join the writers guild club. Ano bang club na ni-register mo? Saan ka ba sumali? Kasi baka pwede pang mag-palit." 

"Actually di pa ako nakaka-decide..kahit nag-start na ng late ang clubs, at matagal na ang process, di pa ako nakakapili." Totoo nga, gusto ko kasing sumama kay Ian, kaso siya naman HTML Web Design yung club niya, ayoko naman doon. Si Gale naman Dance Club, mas ayoko doon. Kaya ito ako nag-titiis, siguro di nalang ako sasali sa mga clubs this year."Bakit ano bang clubs niyo?"

"David and I are in the writer's guild."

"And I'm in the varsity." Sabi ko na nga ba yun yung sasalihan niya."Nag-aalala lang kasi ako Nia, tama nga ang hinala ko na hindi ka pa nakakapili. Suggestion ko lang na sa Writer's guild ka nalang sumali with this two close friends of mine. Gusto ko sanang sumali doon para makasama ko kayo, but hindi ko naman hahayaan yung basketball."

Bakit naman niya ako pinipilit makisama sakanila? Oo nga writer nga ako, well, di naman 'ganun' na writer, I write stories as my hobby. Di ko naman kinaka-reer. "Osige, iisipin ko pa."

THE LEGEND OF THE BLUE COOKIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon