Episode #17 ~ revelation, hugs & kisses!

150 2 0
                                    

Nasa National Bookstore paring kaming apat. Pagkatapos naming mamili ng dapat bilhin, inaya kami ni Anna na kumain ng merienda sa isang restaurant sa labas ng Crossings. (Grocery Store katabi ng National) 

"What do you guys want?"  

Ang feeling ng bruhilda, bukod sa inaya niya kami, siya na daw ang bahala sa pambayad. In short, lilibre niya kaming lahat. What a feeling noh? Ang pagkakalam ko hindi naman mayaman 'to, nag-mamayabang lang!

"I can go for anything. But wait, are you sure na ikaw na ang bahala? Nakakahiya naman sayo, may dala naman ako." 

"I'm sure. This is my treat Russel." 

"Sigurado ka ha? Wag kang mag-sisi diyan kung nasobrahan yung dapat bayaran." 

Naglalabanan ba sila sa kayabangan kung sino ang mas mayaman?Nakita ko na parang naiilang si Prince, so am I! 

"Di mo na kailangang gawin 'to Anna. Ako nalang ang bibili ng sarili ko." naglakad siya papunta sa counter ng isang resturant, pagkatapos bumuntot na si Anna sakanya. Alam kong nabanas si Prince kasi parang nagpaparinig pa 'tong si Russell. =X

"How about you Nia? Anong gusto mo? Di ka pa nagsalita diyan ah."

"Ayokong kumain!"  

Pumutok na yung butchi ko. Alam ko yung gagawin ni Prince, para lang hindi siya mapahiya sa harapan naming lahat dahil wala siyang pambayad, i-ri-risk niya yung natitira niyang pera para ipakita na kaya pa niyang gumastos kahit sobrang bankcrupt na siya! Isa lang ang ginawa ko!

"HOOOYY NIAA~~!!" 

"WHAT THE?!" 

Hinatak kong paalis si Prince at tinakas ko siya bago man siya makagastos! Tinakbo ko si Prince kung saan na hindi kami mahahanap nina Russell at Anna. Sa isang sulok ng National Bookstore Children Book Section ko siya tinago.

"Ano bang problema mo!?"

"Ikaw ang dapat kong matanong kung anong problema mo! Bakit mo ba binuwis yung buhay mo kanina?! Alam mo namang wala ka ng pera tapos gagastos ka parin, diba nagtitipid ka? Para bang ipakita kay Russell na kaya mo pang gumastos ng ganun? You are really out of your mind!"

"Sawang sawa na ako sayo Nia, lagi mo akong pinagsasabihin na kala mo nanay kita o ano You keep on interrupting my life --- wala kang kwenta." *sabay alis*

Nasaktan ako sa sinabi niya na napatulala lang ako sa gitna ng ere sa kaiisip kung may mali ba akong nagawa sakanya.

"Nia! Huy! Ano bang ginawa mo? Nasan na si Prince?!"

Nakita na din ako nila Russell at Anna, kahit tanong sila ng tanong kung anong nangyari at kung nasan si Prince, wala parin akong masagot. Wala akong masagot dahil parang maiiyak na ako --- maiiyak sa sinabi ni Prince saakin na wala akong kwenta. I know I’m such a low life, pero hindi ko parin maiiwasan na masaktan diba?

***********************

Nagsusulat ako ngayon sa Hello Cookie Love ko sa loob ng kwarto ko. As usual, sinusulat ko parin yung mga nangyayari saamin ni Prince -- nangyayaring kabaliktaran. Susulat ko yung nangyari saaming eye contact moments kanina, kaso napatigil akong magsulat at napaisip ako kung susulat ko pa ba ito o hindi nalang? Wala namang kwenta.   

Tanga talaga ako, sumulat parin ako. 

Nasaan na kaya si Prince ngayon? Alam kong hindi siya umuwi kila Russell, at alam ko ring wala siyang bahay na masisilungan, nasan na kaya siya? Bakit ba ako alalang alala sakanya!? Suppose to be galit ako sakanya dahil nasaktan ko! Bakit ganun? =X 

THE LEGEND OF THE BLUE COOKIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon