Episode #4 ~ palambutin ang puso niya! ♥♥

221 2 0
                                    

Destination: SM. Escorts: The 3 Musketeers. Ian, Russell & Prince. 

Wala naman akong alam na pupunta din pala sila sa SM North Edsa, sumabay na rin sila sa dyip na sinasakyan namin, kaya ito ako, katabi ko si Ian, si Russell nasa harapan ko, si Prince nasa gilid. Feeling ko mag-co-collapse ako dito sa lalong madaling panahon. 

ANG GWAPO NI PRINCE KAPAG SUMASAKAY NG DYIP! o___o

"Anong tinitingin tingin mo diyan?"

"H-Huh!? Wala, si...si Russell yung tintignan ko! HAHAHA!" Halata ba ako? @__@v

"Bakit? Anong meron saakin?" Mr. Smiley, ang taong mahilig ngumiti saakin, di yata 'to marunong sumimangot. 

"W-Wala! May nakita lang ako sa labas." naman oh, parang nauutal ako. Tumingin nalang ako kay Ian, thank God, nawala yung kaba ko."Ian...ayoko ng pumuntang SM, baba na tayo, ayoko na dito." bulong ko sakanya.

"Sayang yung pamasahe, punta parin tayo, kailagan kong bumili ng regalo kay Gale." 

Geh na nga, for the sake of that gifts, sasama na ako sa SM. :'[

********

Wala yata kaming balak maghiwalay ni Ian, baka pagkamalan kami ng dalawang 'to na mag-on, mahirap na, basta, ayokong makipag-usap sakanila, over sa hiya pa ako, wala na akong mukhang maihaharap pa. Kaya kapit muna ako kay Bessy, SHY AKO EH. 

"Ako nga pala si Ian, galing ako sa 4-Matiyaga."

Naglalakad kami kung saan, sina Ian at Russell ang nasa gitna, katabi ko si Ian syempre, si Prince nasa kabilang dulo. Sinusubukan ko paring tanawin siya, layo niya! 

"Cream ka pala? Wow, alam mo ba, pangarap kong mapunta sa Cream section? Nakakainis nga eh, kahit anong gawin ko di ko magawa."

"What's your average? Pwede ko bang malaman?"  

"Bago mo malaman ang average ko, magpapakilala muna ako sayo pare. Russell here." kinamayan ni Russell si Ian.

"Ayan, kilala na natin ang isa't-isa, so anong average mo pala?"

"Secreto ko lang ang grade ko eh, pero sige na nga, sasabihin ko na. Cream ka pala, siguro pwede kang makatulong saakin. Last year, I've got an average of 89.5. Sabit lang ako kaya hindi pinalad sa cream." 

Mukhang close na agad sina Bespren at si Russell. One thing I learned today: Nerdie pala si Russell, di ko alam yun, yung type niya kasi parang si Prince, I mean yung itsura niya, mukang gangster, gwapo din naman, may mukha. Pero si Prince parin ako! 

Nag-merienda muna kami sa Chow King, bumili kami ng halo halo, ang init kasi. Usap parin ng usap sina Russell at Ian, para silang talking machine. Sa pag-uusap nila sa isa't-isa, hindi na nila napapansin ang OP sa linya, kaming dalawang tahimik.

"Nia, kala you've got a nice friend here, buti nalang nag-sama tayong apat ngayon." 

"K-Kaya nga eh! Hahaha. Buti nalang nga eh noh! Para tayong F4! Apat eh. Puwahaha!" mukhang baliw ako pag nagsasalita na naman! Tigilan ang pag-uutal na 'to! 

Natawa naman sila Ian at Russell, sumabay na din ang baliw, pero si Prince tahimik parin. 

"Prince, Nia, Ian, sandali lang ha, I'm just gonna go to the washroom. Sino sasama saakin? Ikaw Prince?"

THE LEGEND OF THE BLUE COOKIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon