Epilogue

229 5 0
                                    

After 2 months … 

Ito na ata ang pinakamasaya, pinakamasagana, at pinakamaligayang summer vacation sa buong buhay ko. Alam kong lahat ng mga sinabi ko katumabas lang yung ng isang salita: HAPPY. 

Hindi ko rin naiwasang maging malungkot dahil wala na sina Ian at Gale, natatandaan ko pa nga nung nasa Airport kami hindi namin mapigilan yung mga iyak namin. Kakaiba dahil nung papunta palang kami sa Airport, walang iyakan, tawanan pa nga kami all day long, hindi rin pala napigilan. 

Maganda ang naging daloy ng lahat ng after a few weeks ng wala sina Ian at Gale. Lalong lalo na sa relasyon nila Mama at Prince. Naging adik nga si Mama kay Prince, tuwang tuwa sakanya. Pati na rin si Tito Lucas, minsan nga para siyang ginagawang clown. Ubeeeeeeer sa kulit nga nitong si Prince, parang nawala sa kural – mas kakaiba na talaga siya kesa sa dating “freezer Prince” na nakilala ko. 

And what about Anna and Russell? 

First of, wala na akong balita kay Anna. Actually may rumor ako na nakita ko sa Friendster niya. May nakita kasi akong isang picture niya kasama itong isang poging lalakeng muntik ko ng maging crush. Parakiramdam ko tuloy parin ang panglalake niya, desperada rin pala ang taong yun talaga. 

Second of all, si Russell, naging mabuting magkaibigan kami. Seriously, sa tinagal tagal ng panahon, HINDI PARIN SIYA PINAPANSIN NI PRINCE.Nakakainis nga eh, may topak talaga yung mga utak nilang dalawa. At kahit anong gawin ko, hindi ko sila mapapagbati. Happy ending na nga kami ni Prince, tapos sila hindi – meron pala talagang hindi happy ending … pero malay mo magkabati parin sila? No one knows. 

Tungkol naman sa “Kathleen” ni Russell, one time nakita ko sila na magkasama sa Mall, maganda yung babae, matangkad, at mukhang matalino for the fact na meron siyang suot suot na black frame eye glasses. Tugmang tugma lang kay Russell dahil pareho silang matalino at may pormal na itsura. Belib na belib talaga ako sa “BILIS” ni Russ!

At ngayon naman, ang pinaka-importante sa lahat, ano na ang nangyari saamin ni Prince?

Kasasabi ko lang na MASAYA ako, yun lang ang masasabi ko sa haba ng panahon na kasama ko siya. Patay na ang dating Prince, at kakaibang Prince na ang kasama ko ngayon. 

Meron naman din siyang araw na bumabalik parin ang kanyang pagka “freezer” pero madalang nalang yun, bumabalik lang pag nag-se-selos siya. Katawa nga, okey lang dahil na-mi-miss ko na rin ang dating Prince na tiniis ko ng matagal. 

"HAPPY BIRTHDAY." 

"Thank you, Cookie!"

18th birthday ko ngayon, maniwala ka man sa hindi, hindi ako nag-debut. Mas pipiliin ko nalang na maging simple ang celebration na kasama lang si Prince. Tsaka hindi naman complete ang barkada – parang nawalanan ako ng gana. Nagkaron lang kami ng simpleng salo salo nila Mama, Prince at ni Tito Lucas kaninang lunch sa isang private restaurant. Pagkatapos kami namang dalawa ni Prince ang magkasama ngayong pagabi na sa loob ng kotse niya.  

"Ano ‘to?" excited na pagkatanong ko sakanya. 

"Basta, buksan mo nalang. Bakit ko naman sasabihin sayo? Surprise ko nga sayo yan eh. Basta buksan mo nalang."

Hindi na ako nakapagpigil pa, agarang kong binuksan. Nasindak ako sa regalo niya saakin. "B-Bagong diary?" 

Blue Cinammonroll medium sized diary ang regalo niya saakin, halos kasing laki lang ng Hello Cookie Love. 

"Gusto kong magsulat ka ulit. Ngayon, hindi ka na nagsisinungaling sa sarili mo dahil totoo na ang isusulat mo diyan." ngumiti siya saakin sabay hawak niya sa kamay ko. 

THE LEGEND OF THE BLUE COOKIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon