Episode #28 ~ his childhood reminiscences.

135 2 0
                                    

Hindi ko alam kung gusto kong umalis, tumakbo o bigla nalang mag-wala paalis dito sa loob ng kabinet kung saan nanlalaki ang mga mata ni Russell kung bakit kami nandito magkasama sa loob ng dilim. Dapat talaga iniwan ko na 'tong si Prince dito dahil dakilang katangahan nga naman ang magtago sa loob ng kabinet. 

Obvious naman ang taguan spot na 'to at meron namang ibang lugar na pwedeng pwede kaming magtago, at safe pa.

So ano nalang ang gusto ni Prince na mangyari?

"Nandito ako para hanapin ang mga litrato ko. Nahanap ko na kala ko tinago mo." Sinabi niya ito habang dahan dahan siyang umaalis sa loob. Tila hindi nakinig si Russell sa sinabi niya dahil alam kong nagtataka parin siya kung bakit kami nagtatago sa loob.

Ako rin sumabay na sakanya. Ayoko namang maiwan dito sa loob at kailangan ko rin siguro ng malaking explanasyon kung bakit ako nagtatago kasama siya.

Tumawa nalang ako ng malakas, sobrang lakas na para na akong nahihibang. Ito ata ang reaction ko pag masyado na akong nagpapanic at in trouble, lalo na pag ganito ang sitwasyon, sitwasyong IPIT. "Ah .. ano ... actually, may hinahanap din ako, yung ja-jacket ko! Oo! Yun yung hinahanap ko! Sa-sandali lang ah!"  

Sa sobrang kaba ko, di ko na namalayan na hinahanap ko na pala yung dapat hanapin na sinasabi ko sakanila. Natulala sa pagtataka yung dalawa dahil si dakilang tanga ay halughog ng halughog sa lahat ng parte ng kwarto para mahanap ang non-existing jacket.

"I swear~! Nandito lang yun kanina."  

Sabay tawa nanaman.  Gustong gusto ko na talagang makaalis dito sa loob ng kwarto, hindi lang ata dito sa loob ng kwarto, kungdi sa loob ng mansyon. Halos di na gumalaw sa pwesto sina Russell at Prince at ang tingin ni Prince ay para pang naghahanap ng away.

"Tara na, umalis na tayo." Nakaluhod ako dito nung hinugot ni Prince yung braso ko patayo.

"Te-teka lang .. " Napatingin ako kay Russell. Ayoko namang iwan siya ng biglaan na parang kinidnapp nalang ako ni Prince palayo sakanya. At first place, dapat kami ni Russell ang magkasama ngayon at hindi ang tanga na nagpasimula na mag-tago kami sa loob ng kabinet.

"Sabi kong tara na!" 

"Prince bitawan mo nga ako!"

Ang higpit ng hawak ni Prince sa braso ko. Ako at si Russell na dapat nagtanggol saakin ay wala ring nagawa. Biglaan nalang lumabas ang init ng ulo ni Prince sa pangyayari na parang naging siya nanaman ang hari ng mundo na siya dapat ang masusunod kungdi paparusahan   niya kami saaming sala.

"Hoy Prince~! HOY!"   Nasa kalsada na kami ng mansyon, at 'tong si Prince lakad ng lakad na parang ma-la-late pumunta kung saan. "Tumigil ka nga! Huminahon ka lang ang sakit na ng paa ko!" Kahit ano namang sabihin ko eh hindi parin tumitigil. 

"Saan ka ba pupunta?!" Kailangan kong sumigaw dahil sa layo niya, baka hindi niya ako marinig. At kailangan ko rin sumigaw sa dahilang galit ako. "Hindi naman diyan ang papunta sa jeepney stop! Wrong way ka! Sira ka ba?!" 

Tumigil siya sabay harap saakin. Galit na galit yung itsura niya, sobrang galit. Ngayon ko lang siya nakita ng ganito. Lumapit siya saakin.

"Pwede bang tumahimik ka nalang? Sundan mo nalang ako kung saan ako pupunta." 

"Kasasabi ko lang na hindi po diyan ang way papunta sa jeep --"Nabigla nalang ako sa pag hawak niya ng kamay ko sabay hatak saakin papunta kung saan. 

THE LEGEND OF THE BLUE COOKIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon