Episode #23 ~ his tragic past

123 2 0
                                    

Back to school as usual. English time, 4th period - 2nd to the last subject before dismissal. May pinapagawa kasing sitwork si Madam Carbonel kaya tahimik kaming lahat, habang si Prince naman, kinakausap si Madam sa harapan on her desk. I can't seem to know what they're talking about, pero mukhang pinapagalitan siya.

AYAN KASI! Skip ng skip! Hay nako, mapagalitan nga mamaya yan. 

In a few minutes, tapos na rin siyang kausapin ni Madam, kaya bumalik na siya ng tahimik sa upuan niya. Mukhang badtrip si Prince, tinignan ko siya doon ng bigla ba namang nag-belat saakin!? 

ABA ANG KAPAL NG FES! 

Mukha ako pa ang sinisisi niya dahil hindi ko siya pinakopya nung assignment kahapon. Nag-belat din ako sakanya, kapal talaga ng fes eh, di ko na ma-take! 

"Russ. Ano bang sagot dito sa number 2?" 

"What number 2? Oh, the short essay ba? Here."

Hindi ko nalang siya pinansin pagkatapos nun. Nangingit ako sakanya dahil may tumutulong saakin sa seatwork ko, siya wala. Tinitignan niya ako habang nagpapatulong ako kay Russel na parang galit na yung mukha o ano, basta. worried na worried siya dahil mukhang di niya kakayanin yung mga na-miss niyang homeworks kahapon. 

Who cares? Stare forever as he wants! 

After school, pumunta agad ako sa locker para ibalik na yung mga libro ko. Naabutan ko si Prince na binabalik din niya yung libro niya. Naglakad na ako papunta doon at dinedma lang ang presence niya.

"Hmmmm. Ano kayang i-uuwi ko ngayon? Yung Math ko, tapos na. Yung P.E ko, tapos na rin, may test sa Physics bukas pero nakapag-review na ako so hindi ko na kailangang i-uwi yung libro ko. Lalo naman sa English tapos na ako dahil sa tulong ni Russell saakin kanina, in conclusion, tapos na ako sa lahat!"

Gumagana ata yung pang-iinggit na pinaparinig ko sakanya, ang sama nanaman ng tingin eh.  "Anong tinitingin tingin mo diyan?" 

"Bakit tumitingin ba ako?" galit niya.

"Ay duh!" Sabay roll eyes ko sakanya. 

"Hay nako, manonood nalang ako ng Hana Kimi mamaya pag uwi sa bahay, wala na akong gagawin! Ayiee! Sige, bye Prince! See you nalang!" Nag-final belat ako sakanya sabay ngiti ko ng malaki, pagkatapos umalis na ako. 

.

Bakit nagiging ganito na ako ngayon? Parang nagiging masama na ako sakanya? Ang sarap niya kasing inisin! Ang cute niyang pagmasdan pag nagagalit, parang gargoyle yung mukha niya! Habang talon ako ng talon sa saya nung paalis ko, bigla nalang may humarang sa dinadaanan ko. o___o Ayan tuloy napatigil ako.

"Are you free?"

Free nga ako, pero gusto ko ng umuwi, ayoko ng gumala. "Ehh-- Russ...sorry, kailangan ko na kasing umuwi." Nasa likod pa namin si Prince, tinanaw ko yung locker na kungyari yon ang tinignan ko. Nakita kong nabadtrip nanaman si Prince dahil nandiyan nanaman si Russell, tinuloy nalang niya ang pagbalik ng libro niya sa locker. 

"I'm just inviting you. I want you to meet my dad, kaka-uwi lang niya kasi niya from the states, I just mentioned you to him. Gusto ka niyang makilala."

Dad? Di ko alam na may tatay pala siya. 

"Ngayon na?" Paano ba yan? Plano ko pa namang tumambay sa apartment nila bespren at ni Prince ngayon, tapos mauudlot pa. 

"O-Osige." Pinagbigyan ko nalang, isang araw lang naman.

Gusto ko pa sanang tanawin si Prince sa likuran ko kaso hinawakan na ni Russell yung kamay ko paalis. 

THE LEGEND OF THE BLUE COOKIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon