Episode #19 ~ existence, a sole word that means a lot.

145 2 2
                                    

Sobrang swerte ko dahil hindi sumakit yung balakang ko dahil sa sofa sa living room ako natulog. Syempre naman EARLY BIRD na ako ngayon!

Ngunit bago muna ako mang-stalk sa 2nd floor sa loob ng kwarto ko, dapat wala muna akong morning glory, para fresh akong humarap sakanya this morning! 

Excited na ako makita siya, ano kayang gagawin naming ngayong Saturday? 

"Ina! Ano yang niluluto mo for breakfast?" Pag gising ko kasi narinig ko na may nagluluto sa kusina, pagkatapos kong gawin ang dapat gawin tuwing umaga, nagpunta na ako sa kusina.

"Fried rice lang 'to anak tsaka yung chicken na ulam natin kagabi." 

"Ulam kagabi? Wala ba tayong bagong dish ngayon? Baka kasi hindi magustuhan ni Prince, gusto ko sana na kumain siya ng isang masarap na dish ngayong umagang 'to." 

Sana naman maintindihan ni Mama yung ibig sabihin na meron na siyang bagong papakaing tao dito. Para i-welcome si Prince sa bahay namin, dapat kumain siya ng first ever dish dito sa bahay namin, of course naman dapat MASARAP AT FRESH yun!

"Huh? Sinong Prince?" 

"A-Ano kamo Ma?" 

"Sabi ko sinong Prince yung sinasabi mo? Nakoww anak, baka nanaginip ka lang. Sino ba yung papakainin natin dito? Eh tayo lang naman ang dalawa ang kakain." 

H-Hindi kaya talagang lasing lang si Mama kahapon kaya hindi niya nakita si Prince na nakita niya pero she acted na parang hindi niya nakita? CONFUSING! 

"Mama? Di mo ba alam na may natulog na isang lalake dito sa bahay natin? Nandon siya natulog sa loob ng kwarto ko." 

"ANO!?" 

BAKIT NAMAN NGAYON GULAT NA GULAT SIYA!? 

Tama! Wala lang sa sarili si Mama kahapon, pagod na pagod siya galing sa trabaho kaya nag-halucinate siya na hindi niya alam na natulog si Prince dito! "OY MAMA! ANONG GAGAWIN MO DIYAN?!" 

"PAPATAYIN KO YUNG RAPIST! WALANG HIYANG LALAKE! NI-RAPE YUNG ANAK KO!"

"Ma~! Wag mong gawin yan! Ibaba mo yang KUTSILYO!" Masama ang hinala kong papatayin niya si Prince. Holy sh*t! Ang bilis tumakbo ni Mama at pumunta siya sa 2nd floor at todo habol naman ako para maagapan ang pagpatay!

Sa masamang palad nauna si Mama sa itaas. "SINO KANG DEMONYO KA!?"

"AHHHHHHHHHHHHHH~!" 

Nanahimik si Prince na mahimbing na natutulog sa higaan ko ng bigla siyang inatake ni mama, bumangon agad si Prince sabay takip niya sa buong katawan niya ng kumot. 

MI GAWD! Nakahubad ba siya habang natutulog!? O___O

"Mama tama na yan!!" Hinatak ko agad yung braso ni Mama pilit at kong nilalayo kay Prince.

"Dapat sa mga katulad mo pinapatay, wala kang dangal! Kaw bata ka, anong ginawa mo sa anak ko!? Pagbabayaran mo yung ginawa mo sakanya!"

Nanlaki nalang yung mga mata ni Prince kay Mama. 

"Wala naman siyang ginawang masama saakin Mama! Wag mo siyang sigawan! Wala siyang masamang balak saakin! Natulog lang naman siya diyan at hindi ako tumabi sakanya! Pero Ma, manliligaw ko pa yang lalakeng yan!" 

Di ko alam pero yung mga sinabi ko natahimik si Mama at dahan dahan siyang tumingin saakin, ng bigla nalang siyang, "Waaaaaaaaahhh!!"UMIYAK. 

THE LEGEND OF THE BLUE COOKIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon