Episode #27 ~ ang pagtatapat sa loob ng kadiliman.

132 2 0
                                    

Ang tindi ng ulan ngayong Sabado ng umaga. 6 o’clock akong nagising ng biglaan. Hindi kasi ako mapakali tignan yung cellphone ko, kanina ko pa tinititigan dahil iniintay kong tumawag o mag-text si Russell. Natawa tuloy ako sa nangyayari saakin ngayon. Dati naman di ko naman iniintay na tumawag siya, ngayon parang unti-unti na akong nag-iiba.

Tumayo ako galing sa kakahiga ko saaking medium sized pink bed at naglakad ako papunta sa study table kung saan nakalapag ng malayang malaya ang Hello Cookie Love at ang puting notebook na may titolong ‘The Prince Investigation Project.’ Dapat kahapon magususulat ulit ako dito, kaso nawala nanaman ako ng gana. 

Updated na updated na yung diary ko. Halos lahat ng mga nangyayari saamin ni Prince nitong nakaraang buwan, nakasulat na. Yung magaganda mas lalo ko pang pinapaganda, yung mga pangit, ginagawa kong magaganda – ayan parin ang ginagawa ko. Tungkol naman sa 101 questions na iniimbistiga ko, 50 na yung mga nasasagutan ko. Kalahati nalang matatapos na. 

Hawak hawak ko yung ballpen ko habang nakatingin ako sa mga notebook na ‘to, nagbuntong hininga at sinubukan kong mag-sulat. Susulat ko na sana yung nangyari kahapon saamin ni Prince, kaso parang may bumubulong saakin na wag ko ng ituloy yung pagsusulat ko dito.

"Ano ka ba KAMAY magsulat ka nga!" 

Feeling ko talaga may nag-co-control sa kamay ko at ayaw ako pasulatin!

"KAPE! KAILANGAN KO NG KAPE!" Tamang tama. "Kopiko!" hinugot ko yung candy na nasa tabi ng pencil case at kinain ko agad yun. Nag-umpisa ulit akong tumitigid sa diary ko habang hawak hawak ko yung ballpen. 

Ay lintek na buhay wala parin akong masulat! 

Ng biglang nag-vibrate yung cellphone ko. Nabigla ako kasi baka si Russell na yun! Nagkakamali pala ako, si GALE ang nag-text at nag-Hi-Hi lang saakin. Kailangan ko bang replayan siya? Di na ako nagdalawang isip pa at ni-replayan ko si Gale sa dahilang gusto ko na siyang makausap.

Tulog na tulog parin si Mama nung bumaba ako sa sala, nag-ingat akong makalabas sa pintuan papuntang garahe para makipagkita kay Gale. Ang kulimlim ng langit at mukhang uulan ng malakas. Pati nung nakita ko si Gale na nakasandal sa harapan ng screendoor nila ay katulad din ng langit ang mukha niya. Nagdadalawang isip pa nga ako kung lalapitan ko ba siya o ano.

"Insan.." Napatingin siya saakin, malungkot at mukhang nalilito.

"N-Nia~!" Nagulat siya saakin na tila di niya ako narinig at nakitang naglakad sa harapan niya. "P-pwede ba kitang yakapin?"

"Yakapin? Huh? Bak--" Di pa ako tapos magsalita niyakap nga niya ako. 

"Nia, I’m so sorry sa mga nagawa ko sayo. Alam kong naging selfish ako and everything, pero sana wag ka ng magalit saakin, ang bilis naman ng pangyayari ng bigla tayong nag-away tapos di ka na namamansin diyan tapos--" inalis ko siya sa kakayap.

"Wag ka ngang magsalita muna diyan insan dahil ako naman ang may kasalan ng lahat eh. AKO ang nag-overreact sa sinabi niyo ni Ian. Kaya ako ang selfish hindi ikaw. Di ko iniisip ang sitwasyon niyo kungdi iniisip ko lang talaga ang sarili ko. Dapat ako mag-sorry."

"Sigurado kang hindi ka na galit saakin? Eh kasi kung galit ka pa…Nia~!"

Niyakap nanaman niya ako. Syempre gulat na gulat ako kasi at first place, di ko alam kung bakit niya ako niyayap ng ganito. Parang di siya mapakali."HUY! Wag ka ng mag-drama diyan Gale ano ka ba? Ano bang ginagawa mo ah?"

"Na-konsensya ako sa naging away natin. Kung itutuloy pa namin yung mga plano namin baka ikaw naman ang mawala. Masaya nga kami, pero ikaw naman ang hindi." Parang napapaluha na siya habang sinasabi niyo ito. "Kahapon ng gabi napag-desisyonan ko na na siguro kakailanganin muna namin ni Ian ng space sa isa’t-isa. "

THE LEGEND OF THE BLUE COOKIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon