Episode #23.2 ~ his tragic past

112 1 0
                                    

Umuwi agad ako nung gabing yon. Di ko na sinabayan sa pag-uwi si Prince. Alam kong bad trip siya so I'll give him some air. Dinner time sa bahay namin ni Mama, at nandito si Gale ngayon. Kumakain kaming tatlo ng niluto ni Mama na sinigang.

"Ano anak di ka ba kakain? Wag mo ng painitin yang niluto ko sayo. May GABI yan, yung favorite mo!"

"Wala ako sa mood kumain mama, sayo nalang yung mga gabi."

"Salamat naman at wala sa mood kumain tong si Nia, para akin nalang yung mga gabi." 

"Eh sayang naman 'to, mga sampo yung nilagay ko dahil alam kong GABI lang yung kinakain nitong pinsan mong maarte pagdating sa sinigang."

"Ano kayo? Akin parin yung mga gabing ya noh!" Hingot ko yung bowl ko sabay kuha ko lahat ng mga GABI sa loob ng kaldero. Wala akong tinira at lahat pinapak ko na para akong isang pulubi na ngayon lang nakakain.

Napanganga saakin yung dalawa. "Anak..dahan dahan lang!"

"May problema ka nanaman noh?"

"W-wala!" sabay lamon ko ulit. And yes. Ganito ako pag depressed, kain ng kain ng masasarap na ulam! COMFORT FOOD IS THE BEST!

*Bzzzzzz...bzzzzzz...bzzzzzz~!* Natigil ako sa kakasubo ko ng isang katutak na gabi dahil nag-vibrate yung cellphone ko. Tinignan ko naman at ang nag-text ay si Ian my bespren:

[Nasan ka na ba ha? Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Puntahan mo ako, gusto kitang makausap. Dalian mo kungdi patay ka saakin]

"Kwarto? Gustong makausap?! Baliw ba 'to? Bakit di nalang si Gale papuntahin niya at di ako?" Automatic akong napatayo para pumunta na saaking bespren kapitbahay.

"Oh anak? Saan ka pupunta?"

"Akin nalang yung GABI mo Nia!" 

"I'll be back!" 

Ano nanaman ba ang kailangan ni bespren ngayon at kailangan pa niya akong makausap? *Knock Knock Knock* Kumakatok na ako kanina pa dito sa apartment nila at mukhang walang sumasagot. Konting katok ng malakas at bumukas nalang yung pinto.  

"Naman oh! In the middle of my GABI dinner ako tapos tatawagin mo lang ako dito. Ano bang kailangan mo ah bespren?"

"Ikaw anong kailangan mo dito at bakit nag-wawala ka diyan?"

"Huh? Kala ko nag-text ka saakin?"

"Text? Bakit naman ako mag-te-text sayo? Tsaka kakagaling ko lang sa banyo, katatapos ko lang maligo. Tignan mo bespren! Amuyin mo yung bagong Axe Infinity na binili ko ang bango!"  *sabay taas ng kili-kili at pinaamoy 'to kay Nia* 

Wala akong maintindihan. Sabi niya nasa kwarto siya tapos naging banyo? Eh sinong nag-text? DI KAYA SI ---?! 

"Alis nga diyan butete!" 

Teka, SANDALI! Imposbile namang mag-text siya saakin dahil wala naman siyang cellphone diba? Acck. Di kaya si Ian ang nag-text saakin at nanloloko lang yung buteteng yon para makapunta lang ako dito? Tsaka, wala naman sa kwarto yung kakausapin ko, wala naman sa taas si Ian ngayon.

Ohh. Alam ko na. 

*BANG~!* Oppsiedodles! Napalakas ata yung pagbukas ko ng pintuan sa kwarto ni Prince. Nung pagkita ko kasi nabigla siya at napa-turn around sa higaan kung saan siya nakahiga.

THE LEGEND OF THE BLUE COOKIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon