Episode #11.2 ~ Russel's Girlfriend *O*

163 2 2
                                    

Spell my name please. R U S S E L L ' S  G I R L F R I E N D. 

Leche namang haba ng pangalan ko, pero wala na ata akong magagawa, di ko alam na kami na. May sinabi ba siya? 

MAY SINABI BA AKO? WALA NAMAN DIBA?! Siya ang nagsabi!

Puro flash ng camera, inumpisahan na ng mga photographers sa lugar na kumuha ng pictures saaming dalawa ni Russell na nandito parin at naktayo sa harapan nilang lahat. Hinawakan ni Russell yung balakang ko habang ngumingiti siya sa harapan ng camera at pinakita niya ang kanyang masayang mukha. 

"Russell, nasisilaw na ako." bulong ko sakanya.  

Hindi niya ako narinig, parang wala siyang katabi at busy siya sa kaka-ngiti sa camera at sa kakakausap ng mga kamag-anak at kaibigan niya. Hinawakan niya yung kamay ko at sabay kaming pumunta sa mga tao. Lahat ng mga tao nagulat, lahat ng mga tao may ngiti sa mga mukha nila. Pero hindi din natin maiiwasan yung mga kaklase ko na magulat.

"Kelan pa kayo?"

"Paano naging kayo?" 

"Wow Nia, hindi namin akalain."

"Russell, napakaganda naman niya." 

Ayan ang mga sinabi ng mga taong nakausap namin ni Russell habang magkasama kami nung mag-gagabing yon. Naging busy kami sa kakakilala sa mga tao, naging busy sila sa "girlfriend" ni Russell na ngayon lang nila nakita. 

Napatulala ako nung kasama ko siya, hindi ako makasalita, hindi ko rin ma-bati yung mga mayayamang kamag-anak niya. Wala na akong ginawa kundi ngitian sila.

"Russell, mag-wa-washroom muna ako." 

Busy parin si Russell sa kausap niya. Yung uncle niya yung huling nakita ko bago ako tuluyang umalis sa tabi niya. Umalis nga ako sa tabi ni Russell dahil hindi ko na rin makayanan.

Tumakbo ako sa loob, naramdaman kong ang bilis ng tibok ng puso ko! Napa-upo ako sa pintuan ng washroom habang hinihingal. Ni-lock ko pa yung pintuan para walang makapasok at ako lang. Nanaginip ba ako o hindi? 

"NAMAN EEEHHH!!" 

Binatok batukan ko sarili ko, tinanggal ko na rin yung headband ko sa ulo, pagkatapos, yung necklace, ang panghuli kong tinggal, yung bracelet na binigay saakin ni Russell...ng naiyak na rin ako.

Naalala ko kasi si Prince, nakita niya lahat 'to....nakita niya...gumulo na talaga buhay ko... 

*knock knock knock knock*  

SHIET. Nag-da-drama pa ako dito tapos biglang may kumatok! Napatayo ako sa gulat at humarap sa pintuan ng CR. "M-May t..tao dito!~" ayokong buksan. Baka si Russell yan natatakot na ako!

"Nia! Nia! Buksan mo 'to dali!" 

"GALE!?" Di na ako nagsayang ng oras at pinapasok ko agad yung insan ko sabay sara ulit ng pintuan. "GALEEEE!! GALEEEEEE..." napalakas yung iyak ko buti nalang nandito na yung taong maasahan ko, niyakap ko siya ng mahigpit habang umiiyak.

"Ano ka ba, ano bang pakulo 'to?!" 

"Malay ko insan...wala akong alam.." 

Tinanggal niya ako sa kakayakap sabay titig sa mga mata ko. "Kelan ka pa nagkaron ng boyfriend? Nia naman, hindi mo sinabi saakin. Nakakaasar ka ha, ito lang pala ang pinunta ko dito, para makita kang maging sikat. Para maiwan ako sa mga taong hindi ko kilala. Tinatanong kita kanina kung bakit tayo nandito, hindi mo naman sinabi, sabi mo lang birthday ng class president niyo, tapos ayun pala...nakakainis ka ha." 

THE LEGEND OF THE BLUE COOKIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon