Episode #34 ~ isang malaking panloloko

111 3 1
                                    

Umagang umaga ng Sunday ang ingay ingay na sa loob ng bahay. Himalang nag-alarm yung alarm clock kong kala ko sira na na, kaso wa-epek din yung dahil ginising ako ng mga naririnig kong ingay sa baba, sa may living room. Mukhang lasenggera akong bumaba ng makita ko ang pinaka-shocking-est scene sa buhay ko. 

"Mama? Ian? Gale? PRINCE?! A-anong ginagawa niyo diyan?"

Ang aga aga nakita ko silang apat na nakasuot ng kanilang mga individual aprons habang may hawak hawak na kungdi isang sandok, mga pagkain o apparatus sa pagluluto. Hindi ako nagkakamali pero nag-co-cooking session ata sila?! WTH.

"My lovely daughter! Come on, join us!" aba may pa-english english pang nalalaman ‘to. Warm welcome ni mama kakaiba, pati sina Prince nakasibay sa warm welcome at hinatak nila ako by force na sumama sakanila. 

Ayoko sanang sumama sa magulo at madumi nilang cooking session dahil sayang lang oras ko doon, hindi ko kasi interes ang magluto. Ang alam ko lang lutuin eh mga fried, kasasabi ko lang dati nun kay Ian. Parang na-OP naman ako sa mga ‘to. Si Gale kahit hindi nagluluto yun eager siyang matuto. Habang yung naiwang tatlo ay adik palang magluto. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na pati si Prince marunong din pala. 

After an hour of cooking madness, natapos rin kami. 

"Anak naman hindi mo lang sinabi saakin na medyo magaling palang magturo ‘tong boypren mo! Kailangan ko pang pilitin sumama saakin maghanda ng almusal eh."

Hanggang ngayon ba naman eh pinagkakamalan parin kaming mag-syota ni Prince ng nanay ko? KILIG TO THE BONES NAMAN ANG BRUHA."Prince hindi mo kaya sinabi saakin!" natawa ako sabay tapik sakanya sa balikat. 

"Hindi naman talaga ako mahilig magluto. Ayoko lang na may ibang nagluluto ng kakainin ko. Gusto ko ako mismo ang gumagawa." 

"Hahaha! Okey lang yan pare, ako rin medyo ganun." ang aarte naman pala nitong mga ‘to eh. 

"Eh bakit noon Ian pinagluto kita kinain mo naman? Sabi mo masarap pero mukhang hindi naman talaga, nagsinungaling ka ba saakin?"

"Oy hindi ah. Masarap naman talaga honeybunch eh."

Bago pa mag-away ‘tong dalawang mag-syota na ‘to, naki-epal na ako sakanila. "Prince~! Patikim nga yung niluto mo!" kinuha ko yung plato ng omellete na niluto niya sabat tikim ko doon. "WOW! ANG SARAP NAMAN PALA PRINCE EH."  "Oh tikman mo naman yung niluto ko Prince!"kinuha ko yung kutsara sabay subo ko sakanya ng fried bacon with egg na niluto ko. 

"Masarap." 

"Say ahhhhhhh Ian~!"

"AHHHHHHHH~" sabay kain at nguya ni butete. "Grabe yang niluto mo Gale! I love you talaga!"

Nag-subuan na kaming mga mag-lo-lovers, grabe ang feeling ng umaga ko. Bukod sa masarap na nga yung pagkain na pinagluluto namin, masarap pa yung mga subuan na nangyayari sa harap ng hapagkainan. Nagkaron ng change of turns kami nila Gale sa mga lalake. Pagkatapos ni Gale kay Ian, si Ian naman ang sumubo sakanya. Ganun na ganun din ang nangyari saamin ni Prince kahit medyo nagkaka-shy shy pa kami. 

Aching~ SANA GANITO NALANG UMAGA KO ARAW ARAW!

"MGA BATA KAYO TIGILAN NIYO NA NGA YAN NAIINGGIT AKO EH!"  

***********************

Random day ngayon at wala kaming magawa sa bahay. Pagkatapos kumain ng lunch, nag-hang out lang kaming apat sa apartment nila Prince at Ian. Si Mama umalis at nakipag-hang out naman sa mga ka-kumare niya. May aircon yung apartment nila Ian kaya ang sarap sarap manood ng movie sa living room na malamig. Ang mga lalake hindi trip manood ng movie kaya nag Ran Online ka-adiktan nalang sila sa loob ng kwarto ni Ian. Habang busy kami sa kakanood ng “Norton Hear’s a Who” nag-vibrate bigla yung cellphone ko at may nag-text.

THE LEGEND OF THE BLUE COOKIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon