Episode #30 ~ is that a smile for me?!

141 3 0
                                    

Himila lang ata kung mangyayaring pumayag si Prince na umupo at kumain ng hapunan kasama ako at ang kanyang "kapatid" na si Russell. Pinilit ko parin si Prince na umupo sa tabi ko, gusto kong makapag-usap sila ni Russell ng masinsinan. Kahit ngayon lang, kahit ilang segundo lang. Kahit "Hi" lang masaya na ako, basta maging aware lang silang dalawa na merong parin silang pag-asang magbati.

"Ay~ uhm, Nia! May pupuntahan pala kami nila Prince! Diba Ian?!"nagpapanic na pagkasabi ni Gale sabay siko niya agad kay Ian.

"Oo nga pala!" hinatak ni Ian yung braso ni Prince, pati na rin si Gale nakihatak na rin – hinatak nila paalis si Prince ng sabay. "Tatawagan ka nalang namin Nia, o ikaw nalang ang tumawag saamin pag tapos ka na diyan. May pupuntahan pa kasi kami, sinamahan lang namin si Prince dito sa SM. Kaya sige! See you!"

Napanganga  ako. Kung kelan ko naman feel enthusiastic na pagtagpuin at pag-reunite ‘tong magkapatid na ‘to eh doon naman nila ki-kiddnapin si Prince. Nakita ko rin yung mukha ni Prince bago sila tuluyang umalis, yung mukhang “ayaw niyang umalis” ang nakita ko – malakas ata ang feeling ko na gusto niya akong kiddnapin din, kaso nauhan lang siya nila insan at bespren. Ano nanaman kaya ang iniip nung dalawang ugok na yon? 

"Sorry sa interruption Russ, tuloy na natin yung lunch natin."

Nagmadali akong bumalik sa kinauupuan ko, nahuling bumalik si Russell sa lamesa nung napadaan lang yung waiter sa gilid ng lamesa namin. Tinawag ko kaagad yung waiter para mag-order. 

"Pwede bang mag-order ng isang dessert? Ube ice cream, yun nalang oder ko." hinugot ko yung isang basong tubig sa harapan ko sabay laklak lahat sa laman nun. "Tsaka padagdagan na rin ‘tong tubig please. Salamat." 

"Coming miss." That time, nakabalik na si Russell at nakita niya kung gaano ako ka-panic. Nagpa-panic ako hindi dahil naki-epal si Prince dito, nagpa-panic ako dahil kinakabahan ako sa masasabi nanaman ni Russell. 

"You can leave me now if you want to."

Napatingin ako sakanya. Nakita ko sa mukha niya na parang nanghihinayang pa siya sa sinabi niya.

"Bakit naman kita iiwanan? Ikaw ang kasama ko ngayong araw na ‘to, at hindi yung iba."

"Aalis na rin ako mamaya maya. Nasabi ko na rin ang gusto kong sabihin sayo. Ayoko lang kitang ma-confuse sa nangyayari – sana maintindihan mo rin ang side ko tungkol sa sitwasyon namin ni Prince. Kahit ano atang mangyari, magiging kagalit ko parin yung taong yon. Wala na talaga kaming pag-asa dahil matagal ko na siyang hindi tinanggap."

"Meron pa namang oras na magkabati kayong dalawa Russell. Nandiyan pa naman ikaw, nandiyan pa naman si Prince kaya --"

"I’m so sorry dahil hindi na talaga magbabago ang pagtingin ko sakanya But always remember that, Nia…." dahan dahan niyang hinawakan yung kamay ko na nakapatong sa lamesa. Tinignan niya ako diresto saaking mga mata. "Kahit alam ko man ang pinakamasaklap, tandaan mo na hinding hindi parin magbabago ang pagtingin ko sayo Nia. I wanna be with you, and that’s what I’m going to do. Another battle has begun. And this time, I’m going to win this."

THE LEGEND OF THE BLUE COOKIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon