Episode #24 ~ ang pagiging broken hearted.

116 2 0
                                    

MASARAP MAGMUNIMUNI.

Lalo na pag P.E time dito sa GYM. Sa dahilang hindi naman ako kasali sa mga activities nila katulad ng Badminton, Volleyball, Table Tennis at kung ano ano pa, mas maganda nalang na umupo ako dito mag-isa sa sulok habang nag-da-day dream. Actually, matagal ko ng ginagawa 'to. 

Di naman ako nila sinasali sa mga grupo nila eh. Alam ko namang ako ang mananalo sa Ms. Lonely Girl Year 2008-2009 dahil wala naman akong kaibigan sa balat ng 4-Mapagmalasakit. May kumakausap naman saakin na ibang kaklase kong mga babae bukod kay Russell. Pero di naman kami ganun ka-close. 

Kaya saakin parin mapupunta ang Korona.

"Oh talaga? Hahaha! Kahapon kaya ang weirdo niya.."

"Di naman noh, at least natuto siyang magsayaw ng ganun!"

"Nakita mo ba yung itsura niya? Parang banggang, wala sa sarili."

Busy na busy yung mga kaklase kong babae sa pinag-uusapan nila ah.

Ano kaya ang feeling ng may makaka-chika ka kang isang babae? I mean, yung parang bestfriend mong babae na i-sha-share mo yung mga thoughts and words mo sakanya? Di ko kasi na-experience yung mga ganun. Nandiyan naman si Gale ah. Pinsan ko siya, iba pa rin ang pakiramdam ko pag sakanya ako nag-sha-share ng mga secrets - kabilang naman siya sa Family Relatives ko kaya ang feeling ko kapatid ko siya. Nandiyan naman din si Ian, pero lalake naman yun.

Kelan kaya ako magkakaron ng isang babaeng kaibigan na maituturi kong bestfriend? Simula nung umapak ako ng High school, di ko naman naranasan na magkaron ng babaeng bestfriend. Si Ian lang kasi ang FOREVER kong bestfriend eh.

"Hey, can you pass that ball?"

Natigil ako sa pagmumuni muni ko at napatingin ako sa kaliwang paanan ko. Nakita ko ang isang Volleyball ball na gumulong malapit sa paanan ko. Kinuha ko naman, tumayo at inabot sa may ari ng bola na si --

"Thank you my dear."  Na si Anna.

"Walang problema." Umupo ulit ako sa sahig at tumingin sa langit.

"You know what Nia, kanina ko pa kasi napapansin na wala ka namang ginagawa diyan at di ka pa nagpaparticipate sa free time natin. Gusto mo bang makisali sa group namin? Mamaya makita ka ni Ms. Reyes diyan na walang ginawa. Babaan ka pa nun ng mark, mahirap na." 

Sa totoo lang, sayang 'tong malandi na 'to. Kung totohanin sana niya na gusto niya akong makisali sa group niya, at kung totohanin sana niya na may concern siya saakin, siguro naging kaibigan ko na 'to noon pa. Pero hindi eh, siya ang Ms. Plastik Girl Year 2008-2009!

"Wala naman si Ms. Reyes ngayon. Pwede mo na akong maiwan."

"Oh, don't be too selfish. Kailangan ko ng isa pang ka-team mate. Wala namang kwenta yung ibang kaklase natin you know. Gusto kitang maging ka-team. Kahit sandali lang. Ano? C'mon." 

May nakain ata 'to kaya nagbabait baitan nanaman kungayari.

"Let's not waste time!" 

"HOOOOYY!" WALANG HIYA! HINATAK AKO PAPUNTA KUNG SAAN! "Bitawan mo nga ako!" 

Sus. Dinala niya ako dito mismo sa volleyball court. Sa may net katabi niya. Pinatayo niya ako at pinagsilbi niya akong ka-team mate. Habang yung dalawang kaibigan naman niya yung kalaban. Di ako maka-back out dahil yung substitute teacher na pumalit kay Ms. Reyes nakatingin saamin. Baka i-report niya ang activity na 'to kaya stay muna ako for a close second.

THE LEGEND OF THE BLUE COOKIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon