Episode #39 ~ two hearts wrapped in arms

155 4 1
                                    

Isang tingin ko palang sa given figure halos magkanda-hilo hilo na ako sa mga measurements na naka-indicate dito sa last page ng test ko sa Physics. Going smooth ako from first page to the middle – habang palayo ng palayo, doon na humihirap ang mga tanong. Ang sakit ng ulo ko, binaba ko muna yung pencil sandali para maka-relax naman ako kasama ang aking utak. 

One week till the end of the school year, Monday to Wednesday ang examination week. Which is, Tuesday ngayon at sinasagutan na namin ang aming nosebleed Physics paper. Sa Sunday na aming big day dahil Graduation na. Wala akong inaalala sa mga grades ko dahil sabi ni Sir Torres hindi naman ako bumabagsak at average looking pa ang grade ko – safe pa sa palakol. 

Isang oras nalang ang palugid bago mag 12:00, ang katapusan ng oras ng pagsasagot namin dito sa test. Isang tanong nalang ang kailangan kong sagutan, ang closing question kung saan ako tumigil sa sobrang hirap. Isang minuto na akong nakatunganga sa harapan ng test paper, umabot na ng dalawa papunta lima. Bigla akong nawala sa pag-iisip ng makita ko ang isang bakanteng upuan sa tabi ni Anna - ang upuan ni Prince. 

3 heartbreaking weeks ang tinagal, 3 heartbreaking weeks akong naghintay, 3 heartbreaking weeks akong nawala sa tabi niya, 3 heartbreaking weeks siyang NAWALA. Hiwalay kung hiwalay, ang huling pagkikita ko sakanya ay doon sa kwarto nung natutulog siya. Ang huling pagkikita niya saakin ay nung nag-away kami tungkol doon sa collage na ginawa ko. NASAN NA KAYA SIYA? Ang laki na ng pag-aalala ko, hindi ba niya tinuloy ang 4th year dito sa SMCQC at tuluyan na siyang nag-drop ng school? Saan na kaya siya nakatira ngayon? Sino na kaya ang mga kaibigan at kasa-kasama niya sa ngayon? Alam kong maikli lang ang tatlong linggo pero saakin mahaba na rin yon. 

"Nia Garcia, please look at your own work please." 

Naudlot ang pagtitig ko ng mahaba sa taong nasa harapan ko – si Russell. Tumingin siya ng patago saakin sabay ngiti, ngumiti din ako sakanya.

"Nia!" sa sobrang kakulitan ni Sir Torres, na-alarma na ako sabay tingin ko ulit sa papel ko. Minadali ko na ang last question, sa banas ko dahil wala na akong kaalam alam doon sa tanong at dahil wala na rin ako sa tamang pag-iisip, nilagay ko nalang doon sa last question ay isang malaking: ^_________^v

"Sir Torres I’m done!" tumayo ako ng masaya sabay abot ko sakanya ng test paper. Napatingin lahat ng kaklase ko saakin. 

"Already? Ang bilis naman!"  

Ako lang ang tanging nilalang na UNANG nakatapos ng pinakamahirap na examination sa buong mundo. Ni ang pinakamatalinong si Russell hindi pa nga tapos, ako pa, ang taong wala ng inisip kungdi ang kanyang one and only BLUE COOKIE. Nag-paalam, at nagmadali na akong umalis sa loob ng classroom – tumakbo ako hanggang makalabas na ako sa St. Joseph’s Building. Ko-konti lang ang taong tumatambay sa labas, siguro yung iba hindi pa tapos sa mga exams nila. 

Tumigil ako sa entrance ng building, tumingin ng malayo sabay hawak sa dibdib ko. ANG LAKAS NG KUTOB KO NA NANDITO SI PRINCE. Nandito ang Blue Cookie ko at pinagmamasdan lang ako. 

"P-Prince?"  

Ang hina ng boses ko, halos bumulong ako sa pagtawag sa pangalan niya. "P-PRINCE?!" para akong isang loka loka, bigla nalang akong tumakbo at pinaghahanap siya sa buong lugar. 

"P-PRINCE! NASAN KA NA!?" I swear, parang nandito lang siya, parang kakikita ko lang sakanya … smiling at me, I JUST FELT HIM. Malala na talaga ang Blue Cookie disease ko, for the whole freaking 3 weeks ganito ako, akala ko nalang bumalik na siya, lagi nalang … ayun pala wala na talaga. 

"Going somewhere?" mabilis akong napatalikod sa gulat ni Russell. 

"R-Russ!" still surprised. "Anong ginagawa mo dito? Tapos ka na sa exam? Wow, ang bilis mo rin ah. Anong sinabi ni Sir Torres?" halata namang iniiba ko agad ang usapan, kitang kita ni Russell ang kabaliwan ko sa paghahanap sa nawawalang Prince – ayokong pagkamalan niya akong baliw.

THE LEGEND OF THE BLUE COOKIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon