Episode #15 ~ my poor Prince.

148 3 0
                                    

School agad on the next day. As usual, sabay sabay kami nila Gale at Ian pumunta sa school. Unbelievable, isang araw lang akong nawala ang dami ko ng na-miss, lahat nagkaron ng assignment! Tapos na nga yung ginawa saakin ni bespren for English, pero may sumunod pa pagkatapos nun. Si Sir Torres nagbigay pa ng project na due next week. Ano ba yan!

"Nia, nahanap mo na ba yung magiging partner mo?"

"Sir? By partner ba ‘to? Kala ko individual lang?" mas maganda pag individual lang, para maturuan ako ni Ian at siya nalang ang gumawa!

"Ay duh? Nakasulat naman diyan na by partner yang project na yan. Baka gusto mo pang i-explain ko sayo kung anong ibig sabihin ng by partner?" pagkatapos tinawanan lang ako nung mga kaklase ko. :|

"Eh kasi...gusto ko po, ako nalang ang gagawa...mag-isa. Pwede ba yon?"

"It's gonna be unfair sa mga kaklase mo kung ikaw lang ang gagawa, sabi ko by partner, BY PARTNER. Tapos." tumalikod na si Sir Torres pagkatapos tinuloy na niya lesson niya. "Okey class! can you give me the equation for this?"

Meron ata si Sir Torres ngayon. Paano ba ako hahanap ng partner eh wala naman akong kaibigan dito sa classroom. Hinahanap ko nga si Russell sa totoo lang, kaso wala siya ngayon. Wala akong katabi. Ni si Prince din, WALA. Nasan na kaya sila? 

"Pssstttt." uupo na sana ako pabalik, kaso sinitsitan ako ni Anna. Ang lecheng babae na nakita ko nanaman. 

Nag-lipsync siya saakin na "lika dito dali" tapos may hawak siyang papel. Ang tanga ko talaga, talagang nagpaloko pa ako sakanya, pinuntahan ko siya pagtapos kinuha ko yung papel na hawak niya. Susunod umupo na ako sa upuan ko.

Naka-fold yung papel so binuksan ko. Yung nakasulat doon ay:

Do you want me to be your partner? I can switch partners if you want to. =)

LOKA LOKA. Ayun lang ang masasabi ko. WTF? Siya inaaya akong maging partner? Ano siya hilo? No way nalang noh. Nababanas nanaman ako. Grrrr. Hindi ko nalang siya pinansin tapos crinumple ko nalang yung papel niyang mabaho.

"Sir! I have to tell you something!" tinaas niya yung kamay niya. Baliw na babae, mukhang may plano nanaman. 

"Can I be Nia's partner?" 

WTF?! 

"Why? Diba may partner ka na? Why are you asking me this Ms. Castro?" 

"Anna? Diba partner mo na si---?" so sino partner niya?

"Please sir? I want to be her partner. Can you please switch her to me?"

"S-SIR!" Hindi ko na napigilan, tumayo na ako para matigil na yung kahibangan niya. "S-sir...uhm..ahh..." wala akong masabi. Gusto kong sabihin na ayaw ko siyang maging partner pero hindi ko masabi. :|

"What?" 

"I think gusto niya akong maka-partner, right Nia?"

"Just to end this conversation because its just wasting our time, Nia and Anna. Partner na kayong dalawa." Sa sobrang pipi ko, ito ang nangyari saakin.  

***********************

Salamat naman at uwian na. Pero hindi ko parin nakikita si Prince. :| "Bespreeeeen~!" "Insaaaaann!" 

"Huy."

"Oh bakit parang ang lungkot mo nanaman?" siguro kilala niyo naman kung sino ang nagsira sa araw ko?

THE LEGEND OF THE BLUE COOKIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon