Episode #16 ~ LOVE na ba talaga 'tong nararamdaman ko!?

141 2 0
                                    

Di nanaman ako nakatulog kahapon sa kakaalala kung saan natulog si Prince. Pagkatapos ko kasing magtago sa loob ng kanyang mabangong kabinet, pinalayas na niya ako at tinapon sa labas ng mansyon na parang isa nanamang sako. Ayan tuloy, grabe nanaman ang pag-aalala ko sakanya! 

"Prince? Ikaw ba yan?" 

Loka loka talaga ako! Nandito kasi ako sa gilid ng mga CR ng mga lalake at hinihintay si Prince lumabas ng CR. Kasi parang nakita ko pumasok siya dito.

*Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinngg~!*

Kanina ko pa kasi siya sinusundan. Gusto kong tanungin kung saan siya nagpalipas ng gabi kahapon. Tapos na pala ang lunch time. Kaso di pa lumalabas sa loob ng CR si Prince, ano bang ginagawa niya? Kanina pa siya ditto eh. 

"Puwahaha! H-Hi~!" 

Pasimple pa akong kungyaring tumatambay dito sa gilid, kungyari walang ginagawa at nagmumuni -- pero tinitignan na ako ng mga lalakeng naglalabasan at nagpapasukan kasi mukha akong baliw dito sa kinatatayuan ko.

WALA PARING LUMALABAS. Nasan na ba si Prince? Hindi ko nanaman makaya! Automatic nanamang naglakad yung mga paa ko --- PAPUNTA SA LOOB NG BOY’S WASHROOM!

"Huwag Nia! Huwag!" 

Sinigawan ako ng consensya ko na wag pumasok, pero pumasok parin ako!

Ewwwness. Ano bang ginagawa ko dito sa loob ng CR ng mga lalake?! Ngayon lang ako nakapasok ditto sa loob. Infairness, ang LINIS ah! Parang mas malinis pa sa CR ng mga babae. 

"Prince? Nandito ka ba? Prince!?" Langya, ang ingay ko naman, dapat tahimik lang akong naghahanap sakanya. 

Naglakad ako ng dahan dahan papunta sa mga cubicles, sinubukan kong tanawin kung may mga paa – isa isa, hanggang natigil ako sa search operation ko dahil may nakita na akong isang puting sapatos sa gitnang cubicle. 

HINDI AKO MAMBOBOSO AH! But I know in my heart na si Prince ang laman nitong cubicle na ‘to, ito yung white sneakers niya!

Hindi siya naglalabas ng galit niya o ano, mukha ngang wala siyang ginagawa sa loob dahil di nakababa yung pants niya. Ang tahimik pa niya.

THE LEGEND OF THE BLUE COOKIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon