Episode #22 ~ the prince investigation project

135 2 0
                                    

"Manang Rosario, Manong Topacio, ito po si Prince!" 

"Ikinagagalak kitang makilala iho."

"Salamat po manong...ah..sorry, ano po ulit yung pangalan niyo?"

"Topacio Ignancio iho. Topacio Ignacio."

"Jusme, ang baho ng pangalan."

"Ano kamo?" 

"PUWAHAHAHA! Wala po yun Manang Rosario, Manong Topacio, ang sabi ho lang ni Prince eh magpapaalam na kami at pupunta pa kami doon sa kabilang dayo. O-osige po! Babay~!" *sabay hatak kay Prince paalis*

Tinupad ko naman ang pangako ko kay Prince na i-tour siya dito sa buong Baco. Hindi pa nga kami nakakalamang sa pag-tour at nandito parin kami sa apartment nila, kanina pa nang-iinsulto si Prince sa mga magiging kabitbahay niya. Katulad nalang ng mga pinakamatatandang renters na sina Manong Topacio at Rosario Ignacio. 

"A-Ano ka ba? Wag kang ganyan sa mga elders, have some respect. Nakakainis ka ha."

"Sorry naman, ang baho naman talaga ng pangalan nung matandang amoy lupa na yon eh."

"Ang sama mo naman, tatampalin kita pag di ka tumigil diyan! Pasalamat ka medyo wala ng panrinig yung mga matatandang yon, kugndi -- grrr." 

Tinignan ko ng masama si Prince sabay cross arms ko. "Dahil sa ginawa mo, postpone ang tour. PERIOD, NO ERASE."  

Bahala siya, nakakahiya naman kung iinsultuhin lang niya yung mga kapitbahay namin.

"Wala naman ganyanan. Ikaw ang nag sabi-sabi na umuwi ako ng maaga, o ayan, umiwi ako. Dapat nga mag-ta-trabaho ako ngayon sa school, inuna ko lang 'to. Ang labo mo naman. Tss, kung ayaw mo edi WAG."

"HOY. HOY. HOY? Saan ka pupunta aber?" 

Hinawakan ko yung braso niya para mapigilan. 

"Uuwi na sa bahay at magpapaturo ng assignment kay Ian."

"DI PA TAPOS YUNG TOUR NATIN!"  

"W-What the?! Bitawan mo nga ako Nia~!" 

Sabay hatak ko nanaman sakanya papunta kung saan. Grabe na 'to. Ano yun papalampasin ko nalang siya ng ganon ganon? Alam niyo namang hindi ko magagawa yon diba? Nagpakipot lang ako that time. Hihihihi.

At nag-tour nga kami. Binagyo namin ang buong kalye ng Baco. Inuna ko muna siyang ipakilala kila Kuya Mike at Tito Lucas. Di naman sila nagtaka kung sino si Prince kasi one time, nakita na nila siya. Well, ayun ang sabi nilang dalawa. Ang susunod na binagyo namin ay ang computeran (computer shop) na naka-locate lang sa pinakaharap ng Baco. 

Yung ibang mga bata doon talagang napatigil sa kaka-computer nila nung nakita si Prince. May bading pa ata doon na tumalon sa kina-uupuan niya. Hahaha! XD Pagkatapos nun yung tindahan naman na katabi ng computeran, ang tinadahan ni aling Nena. Nagulat nga si Aling Nena kasi kala niya kung kaano ano ko si Prince. Napagkalan niyang BOYPREN ko. 

Oh yeash! Ang saya sayo ko na sana, kaso si Prince todo deny naman. Hmmff. Pinisil nalang ni Aling Nena yung mga pisngi ni Prince na-chubby daw. Sabi niya pareho daw kaming chubby cheeks, chubby ba talaga? Di naman ah.  

Inabot kami hanggang 7 o'clock ng gabi sa buong Baco. At ang huling destinasyon nalang namin ay ang apartment nila. Nakaupo ako dito sa sofa habang siya naman ay nasa kabilang upuan, nagpapahinga.

THE LEGEND OF THE BLUE COOKIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon