Part 26

324 10 1
                                    


Part 26: Shades.


I called Sanjo to know something. Narinig ko na naiiyak din siya. Malalim na ang gabi, pero wala pa ring kasinglinaw at kasingliwanag nakita ko kanina sa cellphone ni Rock. Sumobra na siya sa panloloko niya sa akin. Nasasaktan ako nang labis.


"Hello, Kedd. Si Asser kasi, nalaman kong niloko niya lang din pala ako."


"Kahit ako, nakita ko sa phone ni Rock na siya pala ang "Martin" na gumugulo sa akin at pinagpustahan lang pala nila tayong dalawa."


"Pwede ba tayong magkita ngayon?"


"Alas onse na. Pwede ka pa bang lumabas?"


"Oo naman. Sa 7/11 sa Pembo na lang tayo magkita."


"Sige."


Sa lahat ng matatanggap kong panloloko, ito na yata ang makakapagpabago sa tingin ko sa pag-ibig. Sadyang masakit lang na malaman na matapos ang lahat, ibinigay ko na ang lahat, pati ang oras ko sa kaniya, ganito pa ang gagawin niya sa akin. Masyado na nga siguro akong nabulag ng pagmamahal ko para sa kaniya. Sa ganito lang pala matatapos lahat ng kahibangan ko. Ano pa nga ba ang dapat kong asahan? Wala na siguro.


Palabas na sana ako sa bahay nang mapansin kong may nagbukas ng ilaw. Si Mama pala.


"Anak, saan ka pupunta?"


"Sa 7/11 lang po sana."


"Sa ganitong oras? Ano naman ang gagawin mo ro'n? Makikipagkita ka ba kay Rock?" Tila may pagkabanas ang tono ng pananalita niya.


"Ma, unang-una ho, ayaw ko pong maririnig ang pangalan na 'yan. Pangalawa, makikipagkita po ako kay Sanjo, hindi sa tatlong ulupong na nanloko sa aming dalawa."At bigla na lang akong nanghina, "Ma, I'm wishing na sana pabayaann'yo muna akong mapag-isa ngayon. Gusto ko lang pong hanapin ang sarili ko. Bakit lagi ko na lang nararanasang ipahiya at lokohin? Ma, gusto ko pong hanapin ang sarili ko ngayon. At si Sanjo, kapareho kong naloko. Kaya please Ma, gusto ko pong lumabas ng bahay ngayon. Kaya ko na po, Ma. 'Wag po kayong mag-alala."


Napaluhod na lang ako sasahig dahil nahihirapan na talaga ako mula sa mga nararanasan kongayon. Lumapit si Mama sa akin at lumuhod siya sa harapan ko, atniyakap niya na lang ako.


"Anak, panahon na rin siguro para matuto ka. I'm sorry sa lahat, anak. I'm very sorry."


"Ma, no. You don't need to."


"Pero naman kasi anak, ang OA na natin. Sige na, pumunta ka na sa 7/11. Sana naman ay walang mangyari sa'yo."


Sabay pa kaming nagpunas ng mga luha namin at agad-agad akong lumabas sa bahay at sumakay ako sa tricycle papunta sa 7/11. Habang binabagtas ng sasakyang ito angkahabaan ng Sampaguita street ay siya namang pagpupunas ko ng luha at sisimulan ko nang harapin ito.

PhilophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon