Part 25

451 12 0
                                    

Part 25: And the winner is...


Malapit na pala ang prom namin. Hindi pa rin ako nakakahanap ng isusuot. Hindi ko alam kung tuxedo ba o americana ang gagamitin ko. Pero dahil magsusuot siya ng tuxedo, mag-iiba na naman ako ng susuotin. Naisip ko na lang na mag-long sleeves at naka-suspender. May bow tie din para mas cute.


"Babe, ano nga pala ang isusuot mo para sa prom?"


"Secret, siyempre. Complimentary naman sa isusuot mo. So don't worry about it."


"Well, surprise me, OK?"


"Yeah."


Papunta na kasi kami ngayon sa Laguna para sa Quiz Bee na sinalihan niya. Medyo madilim pa sa paligid dahil 5 am pa lang at kasalukuyang nasa Alabang Exit na kami. Medyo nilalamig na ako at niyakap ko na lang si Rock.


"O, bakit babe?"


"Wala lang. Ang lamig, e."


"OK. 'Yun naman pala. You can hug me anytime you want."


"By the way, have you brought your pullovers?"


"Oo. Nasa bag. Papatungan mo pa ba 'yang sweater mo?"


"Oo. Sobrang lamig talaga."


Tapos, bigla na lang umubo si Asserjan at si Ma'am Paulina.


"OY! Kayong dalawa d'yan. Para kayong arnibal. Sobrang tamis!" Banat naman ni Ma'am. Napangiti na lang si Rock. Ako naman, natawa na lang.


"Ako naman, iniinggit n'yo ba ako?" Inis na inis na tanong ni Asser sa amin dahil hindi makakasama si Sanjo dahil nagkasakit ito.


"Sorry bro. Wala, e. Unless makasunod mamayang 11 am si Sanjo, maswerte ka."


Hanggang sa bigla na lang nag-ring ang phone niya. Sinagot niya agad ito.


"Hey bae! How are you?" Then he turned the speaker on.


"I'm good. Pero hoping na makapunta ako sa Los Baños mamaya."


"Kung hindi mo kaya, don't try to. Baka lumala lang ang sakit mo, e."


"No. If I can do it, I'll go for you. Hindi naman yata pwedeng si Rock lang ang may kasama. Kailangang nand'yan din ako para suportahan ka."


"OK. Fine. Pero sinasabi ko sa'yo, kapag lumala 'yang sakit mo, humanda ka sa 'kin."


"Aye aye, captain!" Then we heard na tumawa si Sanjo over the phone.


"'Wag ka nang tumuloy, huh?"

PhilophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon