Part 28: "Lo siento, mi amor."
Pumasok na kaming dalawa ni Sanjo sa loob ng school at nakita na namin agad sina Ingrid at April. Nanlaki na lang ang mga mata nila nang makita nila kami. Agad silang lumapit sa amin para salubungin kami.
"Mga bakla! Pumunta kayo ngayon?" Mangiyak-ngiyak pang nagtanong si April.
"Kailangan n'yo kami, right? Hindi pa naman huli para umatras. Kaya naman nagbago kami ng isip." Sagot ni Sanjo sa kaniya.
"At saka, baka kasi maya-maya may lalaki na lang na humila sa inyo. Ayaw naman naming mangyari 'yon sa inyo." Dagdag ko pa.
"So sino ang date ninyo ngayon?"
Bigla na lang akong inakbayan ni Sanjo.
"Kami ang magka-date para sa gabing ito. Total naman pareho kaming sawi, 'di ba?" Tatawa-tawa pa si Sanjo. Natawa na lang din ako dahil totoo nga namang sawi kaming dalawa.
"At least magka-date kayo ngayon. Well, tara na?" Pag-aya sa amin ni Ingrid.
Pumunta na kaming dalawa sa puwesto nila. Sakto namang may nakareserbang upuan para sa aming dalawa. Ang mga kasama namin ngayon dito sa mesa ay parang kanina pa titig na titig sa aming dalawa ni Sanjo. May mga parang nabigla. May mga napapangiti naman. Hindi ko na alam kung ano pa ang pakiramdam ng iba.
"Guys, ang cute ninyong dalawa." Comment ni France sa amin.
"Oo nga. Bakit huli kayong dumating ngayon? We were expecting na hindi na kayo darating pa." Medyo gulat din pala si Paul.
"At least we made it. One thing that I've realized is I should not leave this night to make us cry all over again. That we just want to enjoy the night with you, guys." Sabi ni Sanjo na talagang nag-udyok din sa akin na pumunta.
"Another thing, we don't want to be sad and just stay somewhere. What are celebrations again? It's for everybody who's about to win a battle." I said with much confidence packed on my suspenders.
"Pero Sanjo, Kedd, I kind of thought about you two. Bagay kayong dalawa. I know this is wrong to think of. Talagang bagay kayo." Tila si Acelle lang ang nakapansin. Naka-slacks siya instead of wearing any dress. Talking about statement? Acelle has it. At kasama niya ang girlfriend niya.
Nagkatinginan kami ni Kedd at biglang... "Lason! Cannot be!" Pagtili naming dalawa.
"Ano ba naman 'yan? Mga bakla kayo! Panira ng moment!" Angal naman ni Ella na hindi ko alam sini-ship na pala kami ni Sanjo.
"Ella naman! Bakla! Grabe ka!" Pang-uuyam namin ni Sanjo.
Kaya naman pinagbigyan na namin ang gusto nilang mangyari. We kissed each others' cheeks at naghiyawan sila nang ubod nang lakas, dahilan para makuha ang atensyon ng nasa kabilang table. At nandoon sina Rock at Asser.
"Happy now?" Sabay pa naming pagtatanong ni Sanjo.
"Oo! Sobra!" Si Ella talaga ang pinakamasaya.
Tumayo muna kaming dalawa ni Sanjo at nagpunta sa bathroom at doon nag-usap.
"In fairness, Kedd. I'm happy with this. Kung hindi pala tayo tumuloy, parang inamin na rin natin na tayo ang dahilan ng lungkot ng dalawang ugok na 'yon."
"Oo nga, e. I think we did a right choice."
We fixed ourselves and got back to our seats.
Nagsimula na ang prom at ngayon pa lang nagsisimula ang saya. Tamang sayaw lang kaming dalawa ni Sanjo. Magkahawak ang kamay naming dalawa. At saka nakisali na sina Eugene at Paul sa aming dalawa. Tapos ay ang mga babae naman ang isinayaw namin.
BINABASA MO ANG
Philophobia
Genel KurguLove can overcome your fears inside. Pero paano naman kung ito ang magdadala ng takot sa'yo? Would you still go with it or you will conquer it and spend your lifetime with the one you feared the most. This is a story, a high school romance, that wil...