Part 17: Ain't It Fun?
Sweetest moment? Marami na. Imagining a world without Rock is devastating for me now. I guess he really got me. Kung gano'n ba namang ka-sweet at caring, what could I possibly asked for? Wala na. Actually, one month na kaming dalawa. And it's October already. Periodical test pa namin ngayong araw na 'to kaya naman last week pa lang panay na ang pagre-review naming dalawa. Scan nga lang actually, dahil mas nawawala sa isip ang nire-review ko kapag matindi ang pagre-review na ginawa ko. Not until now na nasa school na kaming dalawa.
“Kedd, mahal, excited na akong magbakasyon.”
“Bakit naman?” I blurtedly asked him.
“Kasi mas marami tayong time na dalawa. Mas makakagala tayo at saka pwede ka pang maki-sleep over sa 'min ng ilang gabi.”
“Grabe lang, huh? Mag-test muna tayo bago ka magplano d'yan.”
“I know, I know. But I also know that we are thinking just the same.”
“No, I didn't.”
“Gano'n ba? So maggala na lang tayo sa sembreak.”
“Keri lang! Prepared ako d'yan.”
“So pasok na tayo sa room. Nasa loob na silang lahat.”
Umupo na agad kaming dalawa sa upuan namin. Hindi kami magkatabi. Nasa likuran ko lang siya. At ako naman, ito, nakikinig lang sa mga instructions ni Ma'am. Hindi pwedeng may ma-miss akong isang rule dahil siguradong hindi ko na rin masusundan ang mga susunod pa.
“Get one and pass. And as you get your paper, answer it immediately.”
Nang makuha ko na ang papel ko, tapos napapangiti na naman ako na parang baliw. Kasi sabi sa 'kin ni Rock may isang matinding kiss daw akong mare-receive galing sa kanya. Ewan ko ba dito sa boyfriend kong topakin. Lagi na lang akong binibigyan ng pag-asang mukhang hindi matutupad. Pero 'wag ka, gagawin niya rin talaga.
I started answering this. I feel happy while seeing the test paper because the questions here are just easy to answer because I reviewed most of it.
Kaso, pagdating na pagdating sa no. 35, nalula na lang ako dahil hindi ko talaga ito alam! Kaya naman nag-eenie minnie mini mo na lang ako para lang masagutan ko ito. Ang tanong ba naman kasi is 'Sino-sino ang naging pinuno sa Triumvirate. (GOSH!) Hindi ko ;to masyadong na-review.
I finished the test and took a nap for a while. Nakakapagod din kasing magsagot ng exams. Nakakawala ng energy.
Matapos, 'yun, tatlong tests pa ang tinapos naming lahat. And then, uwian na! Tapos na ang pangalawang araw ng exams namin. Kahapon kasi, natapos na naman ang Filipino, Geometry, Chemisty, at TLE. Ngayon naman, English, Araling Panlipunan, Values, at MAPEH.
Well, madali lang naman sa 'kin ang exams dahil na-review ko halos lahat ng nasa test. Maliban lang talaga sa ilang concepts na hindi ko talaga maalala.
BINABASA MO ANG
Philophobia
General FictionLove can overcome your fears inside. Pero paano naman kung ito ang magdadala ng takot sa'yo? Would you still go with it or you will conquer it and spend your lifetime with the one you feared the most. This is a story, a high school romance, that wil...