Part 3

1.3K 34 5
                                    

Part 3: Chinito! Chinito ... Roderick Punongbayan.

This time, last week na ng July. Ito na kasi ang part ng 'Nutrition Month' wherein kailangang magkaroon kami ng representative for third year level sa Mr. and Ms. Nutrition. Si Roderick pa naman ang napili. Mukha namang makapal ang mukha niya dahil kasama niya lagi si Rockefeller. At hindi naman ako nagkamali.

Sa ngayon, kasama ako dahil nga ako ang, well, magme-make up sa kanya dahil wala namang may powers no'n na katulad ng sa 'kin. All around yata 'to?

Si Frances naman ay kasama ang mommy niya para 'yon ang mag-make up sa kanya.

Anyway, patay malisya naman ako sa mga lalake. Aanhin naman kasi ang magandang katawan at gwapong mukha kung hindi naman kita type. Since hindi ko naman type itong si Roderick, walang malisya on this thing.

Kausap ko siya ngayon dito sa backtage habang inihahanda ko pa ang gagamitin sa kanya. Well, Etude House ang make up ko kaya sobrang pretty ko lagi. Light make up lang since natural look lang ang peg ko lagi. Masama ang heavy make up sa balat. So beware on wearing too much make ups.

“Rod, sandali nga lang. Hubarin mo na 'yang shirt mo.”

Napatayo pa siya sa upuan.

“Huh? Ano?” he blurted.

“Malamang, isusuot na natin ang costume mo.”

“Akala ko naman may pagnanasa ka na sa 'kin.”

Na-shock naman ako sinabi nito. Hindi rin naman pala malakas ang hangin nito sa katawan. Well, kasalanan lahat ito ni Rock.

“Huh? Pagnanasa? Naku, hindi kita type!,” then I continued, “Kaya naman isuot mo na 'tong tapis at saka chaleco. Wag ka nang mag-inarte! Dali!”

Hinubad niya na rin pati ang pants niya. Naka-brief na lang siya ngayon. Sinuot niya na ang tapis at chaleco. Hindi ko na siya lalagyan ng body oil dahil maiinitan siya.

“Upo ka ulit.” I ordered him, “Harap ka sa 'kin, huh?”

He's face is puzzled. Shocked dahil sa sinabi ko. Well, tahimik pa rin naman siya. He knows to behave, huh?

“Kedd, light lang, huh? Gusto kong makita pa rin ang paglalake ko.”

“I know, right? Gano'n naman talaga ang gagawin ko. Besides, di na nila makikita ang kagwapuhan mo kung superlative na make up ang ilalagay ko.”

Humagalpak na lang siya ng tawa. Ano naman ang mali sa sinabi ko? Wala naman, a?

“Superlative? Hanep! English ba 'to, dre?”

“Hindi, mathematics! Ayos ka rin, ano?” I said in a sarcastic way.

PhilophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon