Part 2

1.4K 41 7
                                    

Part 2: Bad trip ka talaga, Rockefeller!

Weeks later, marami na agad akong friends. Though lima lang naman sila. Tatlong girls at dalawang boys. Still, I keep it special.

Recess time na ngayon. Masaya pa kaming bumaba nina Acelle at iba pa.

“Kedd, ano'ng feeling na hindi ka na masyadong pinag-iinitan ni Rock?” tanong ni Ingrid. Ang pretty niya, sa totoo lang. I like her aura now.

“Still, nakakairita pa rin kasi kung makatingin kung minsan parang nang-aasar!” medyo naiirita lang ako.

“Wala ka namang magagawa do'n. Pero magandang move 'yang pagtataray mo sa kanya. Hindi siya makalapit sa'yo, e.” sabi naman ni Paul John. Siya naman ang matalino sa class. Pero wag ka, gwapo din siya. 'Yung totoo naman talaga, wala na bang napunta sa ibang section?

Sumubo na lang muna ako ng kanin at ulam.

“At saka, Kedd, kami na lang ang nagpapasensya para sa kanya.” si Ian naman ang nagsalita. Normal guy lang naman siya pero medyo gwapo rin naman siya. Malakas ang appeal niya. Actually, habang nagsasalita siya ay tumitingin ang mga babae sa kanya.

Nang malulon ko na ang pagkain ay nagsalita na naman ako.

“Anyway, OK lang naman sa 'kin 'yon. Sadyang nanibago lang ako. Hindi kasi gano'n ang pinanggalingan kong school. Lahat kami do'n pantay-pantay.”

“Well, hindi gano'n sa school na 'to. Kapag sikat ka, ikaw ang papaboran ng tao kahit na alam nilang tama ka.” sabi naman ni Acelle sumubo ng spaghetti pagkatapos sabihin ang sinabi niya.

“Much better siguro kung medyo iiwas na lang ako sa kanya.” sabi ko na lang in calmness.

“Mabuti pa nga. Gano'n na lang ang gawin mo.” sabi ni Ella.

“Thanks sa support ninyo kahit na new friends n'yo pa lang ako.”

“Nakakahiya nga sa'yo kasi baka isipin mo na gano'n kaming lahat dito sa school.” medyo hiyang-hiya pa si Ingrid. Nakakatuwa ang pagiging chinita niya. Ang cute tingnan at saka maganda siya.

Biglaan, may tumabi na lang sa 'kin. Maluwag pa naman kasi ang seat na ito. Napatingin na lang ako kung sino. Sa lahat ba naman, siya na naman?

Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya at nagpatuloy na kumain.

“Hello, Ms. Taray. Gumaganda ka yata ngayon?” ito na naman siya sa pagkamahangin niya! Nakakainis talaga! I can't take this!

Minabuti ko na lang na hindi na magsalita kasi mas maiinis lang ako.

“Hoy! Magsalita ka nga! Pipi ka ba?” tumaas ang tono ng boses niya. Hindi pa rin ako natinag.

PhilophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon