Part 18

520 13 0
                                    

Part 18: Rock and Melbourne: The Revelation[?]

Very surreal but tact. That's Rock. Isipin mo na lang kung papa'no niya ako tratuhin. Mas higit pa sa kung papa'no tratuhin ang isang babae. I feel like he's treatment is very blissful. In short, heaven! Si Rock kasi laging pinaparamdam na mahal niya ako. At doon ako nadadala.

Anyway, nandito na naman ako sa bahay nila. Naaamoy ko na naman ang pabango niyang nakakadagdag ng pogi points niya. (YAY!) Pero talagang nakaka-off lang siya dahil sa mga sarcasm niya.

“DeadKedd, ang panget mo na naman ngayon. Bakit?”

“Anong panget? Kakaligo ko lang, 'no?” Pagtataray ko sa kanya.

“Wala. Biro lang. Ang cute mo nga ngayon e.”

Napamangot mo na lang ako. Sobra na rin kung minsan ang pagiging mapang-trip niya. Nakakagigil na nga e. Pero wala naman akong magagawa. Gago talaga siya. Walang modo. Pang-asar.

“Alam mo, nakakapeste ka na.”

“Napepeste ka sa gwapong 'to?” Of course, he's referring to himself again.

“Whatever. Gwapo? Seryoso ka?” Binanatan ko nga.

“Whatever-whatever ka pang nalalaman d'yan e nung first day nga lang kung makatitig ka sa 'kin parang gusto mo nang hingi'n ang number ko.” Si Rock nga talaga ang kaharap ko. Ang boyfriend kong ubod ng yabang.

“Hayy... mayabang ka na naman! Over na!”

And then, he nestled me.

“Pero kung may ipagyayabang man ako sa buong mundo, ikaw 'yon.” He said in calm and softest way he can.

I looked on to him. Nakangiti lang siya sa 'kin.

“Tapos, 'yung tipong hindi kita kinakahiya kasi mahal kita.” Again, hindi ko na kaya ang ganitong sweetness. It's so contagious I would die in a jiffy. And then, he continued, “Ikaw lang ang pinakamalaking tama sa buhay ko ngayon. I'm sorry kung minsan nilalait kita. Pero hindi ibig sabihin no'n na hindi kita mahal. Gusto ko lang maalala mo kung saan tayo nagsimula.”

I hugged him so tight.

“Thanks for everything, RockieRoad.”

“No need say 'thanks' DeadKedd.”

“But then, whatever, RockieRoad!” I uttered.

And he sealed it with a kiss. Natahimik na lang talaga ako sa ginawa niya. I cupped my mouth in shock. Hindi na virgin ang lips ko! Gosh! Pero OK lang. Gwapo naman ang humalik, at boyfriend ko pa. Choosy pa ba? Siyempre, hindi na.

PhilophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon