Part 10

1.1K 30 4
                                    

Part 10: My heart is now falling down, falling down, falling in love [?]

Matatapos na ang class namin ngayon. Last subject na. English ito at lahat kami ay tahimik lang na nagsusulat. May mga lumilipat ng pwesto para mas makakopya. Ako kasi ang nagpo-post ngayon ng mga pinasulat ni ma'am na lessons sa cartolina. Inutos niya 'yon sa 'kin. Sa kanya naman nanggaling ang materials anyway.

I already have the copy sa notebook. Sinulat ko kahapon after mag-uwian.

Sitting pretty na lang ako sa aking upuan. Ayaw ko namang panuoring nagiging Biyernes Santo ang mukha ng mga kaklase ko nang dahil lang sa pagsusulat ng mahabang lecture at bukas na ang lecture.

Tapos bigla na lang may nangalabit sa 'kin sa likod. Malamang si Rock na naman.

“Ano 'yon?” tanong ko sa kanya.

“Bakit di ka kumukopya?” tanong niya sa 'kin.

“Meron na kasi akong copy sa notebook.”

Tapos sinita na lang siya ni Acelle.

“Ang ingay mo! Kumopya ka na lang, pwede?” Acelle croaked as she goes back to writing.

Ako naman at nanahimik na lang ulit at nagsulat na lang ng poem. Pero parang wala rin ako sa wisyong magsulat kasi ang init. Kaya naman itinigil ko na lang ang pagsulat.

After thirty minutes, tapos na ring kumopya ang mga kaklase ko. Tapos nag-start nang magturo si ma'am.

Uwian na! Agad-agad kaming lumabas sa room after everything. So sabay-sabay na kaming naglalakad ngayon sa corridor. Nasa gawing kanan ko si Roderick at nasa kaliwa ko naman si Asserjan.

“Guys, ang daya ni Kedd!” reklamo ni Rock.

“Bakit naman?” tanong ni Acelle sa kanya.

“Kasi naman hindi siya nagsusulat kanina!” angal niya.

“Sira ka ba? Siya nga ang nagsulat ng kinakopya natin sa board at saka may kopya siya sa notebook niya!” paliwanag ni Ingrid.

“Sorry naman!” si Rock na napahiya ng bonggang-bongga!

Binelatan ko nga ba ang topakin! Wala na lang siyang nagawa dahil pinagtatawanan pa rin hanggang ngayon ng mga kasama namin. Rerekla-reklamo pa kasi! Mukha lang tuloy siyang tanga!

Inakbayan na lang ako ni Roderick. Sanay na rin ako sa gesture niyang 'yon kasi parang normal lang naman e. Kaso hindi ko rin naman itatanggi na kung minsan may malisya 'yung ginagawa niya sa side ko.

Tapos si Rock naman ang nakatabi ko sa kaliwa.

PhilophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon