Part 9

1.2K 27 4
                                    

Part 9: Nabato na lang ako kay Roderick Punongbayan! (Bread knife, please!)

Going towards the end of September, nagsimula naman ang Intramurals namin. Siyempre, napili ako sa try-out para sa volleyball players for junior year. Kasama ko si Roderick.

Bale twelve kami sa team at kaming dalawa ang mga napili para sa section namin. 'Yung iba kasi failed dahil parang hindi interesado.

Ngayon ko lang din nalaman na kilalang-kilala palang volleyball player ang kasama ko ngayon. Not just that, kilala din siya dahil sa basketball. Kaya nga hindi na ako nagtatakang athletic ang built ng katawan niya.

At saka ang height niya talaga ang isa sa mga factor kung bakit maraming nag-aagawan sa kanya. This time, nalaman ko rin na gusto pala siyang kunin ng University of Santo Tomas para maglaro ng volleyball sa kupunan nila, pati ang De La Salle University ay kinukuha siya, para naman maglaro ng basketball. So nahihirapan daw siyang mamili kung saan siya pupuntang school dahil pareho niyang mahal ang dalawang sport.

For now, nandito kami sa covered court ng barangay para mag-praktis. May ka-tune up kami. Mga bading na players dito sa barangay na ito. Narinig ko na magagaling sila.

“Kedd, practice naman tayong dalawa.” aya niya sa 'kin.

“Sige lang. By the way, hiram ka muna ng bola.”

Humiram muna siya ng bola. Tapos ibinigay niya sa 'kin. Ako daw muna ang mag-serve ng bola for him.

So nag-start na kaming dalawa. Tamang 'taas-palo' lang naman ang gagawin namin. Ako ang dumedepensa sa bola tapos siya naman ang pumapalo.

Ramdam ko ang lakas ng palo niya. No doubt may bigat ang hampas niya sa bola. Kaya nga ba iniwasan ko muna ang next ball at sinabihan ko siya na, “Wag kang sabik! Nipisan mo lang ang palo!”

“OK!” sabi niya naman at nat-thumbs up pa siya.

So nag-start na ulit kami at masunuring bata naman talaga itong si Roderick. Hindi na mabigat sa braso ang palo niya. Lalake kasi kaya parang gigil na gigil sa bola.

Tapos may sumali sa 'min na ka-team din naman hanggang sa lahat na sumali.

Nasa kalagitnaan na kami ng tune up nang biglang may pumasok sa court. Sina Rockefeller at Asserjan lang pala! At may dala pa silang pagkain. Nakita ko ang plastic. Nagpunta pa talaga ng Jollibee ang dalawa para lang bilhan pa kami ng pagkain.

Umupo muna kami ni Roderick para magpahinga. At saka aalis na rin kami. So kumain muna kami before na umalis dahil magbabayad pa kami ng share namin sa rental ng court.

'Yung grupo ng mga bading na kasama naming maglaro, parang ang sama ng timpla sa 'kin. Kung makatingin kasi parang gusto akong patayin.

PhilophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon