Part 11

1.1K 26 5
                                    

Part 11: Rock feels ito! (Kaloca!)

A new day shines on my face. Ang ganda ng gising ko. It's Sunday morning. Magsisimba pa pala kami nina mama at papa. So kumain na muna ako at naligo.

Pagpasok ko sa kwarto ko, agad-agad kong binuksan ang cabinet para maghanap ng isusuot ko. Natuwa naman ako dahil nakita ko na naman ang Red shirt na regalo sa 'kin ni Gary dati, isa siya sa mga friends ko sa Manila High.

I glanced on it, wala pa ring kakupas-kupas. Bihira ko lang kasing suutin. Tatak San Beda pa ang nakalagay. Fan kasi ako ng San Beda Red Lions kasi magagaling silang basketball players.

Anyway, I wore this together with denim pants and a pair of shoes.

Nang makababa na ako, nakaupo lang si mama sa sofa. Hinihintay niya na pala ako. Si papa kasi naghihintay na sa labas.

Lumabas na kami ni mama. Excited na naman ako sa araw na ito. Ngayon lang kasi kami ulit magkakasamang magsimba. Kung minsan hindi na rin kami nakakapagsimba dahil busy kaming lahat.

“Anak, kumusta ka naman ngayon? OK ka na ba?” tanong ni papa sa 'kin.

“Opo, papa. I'm so OK right now.” masaya kong bigkas.

“Baka naman anak may iba pang dahilan kung bakit ka masaya?” ito na naman po si mama na parang gustong dalhin ang usapin sa ibang bagay.

“Wala naman pong iba. Maliban sa inyo, wala na talaga.” I just said.

“Ang showbiz, Kedd!” mama blurted.

Natawa lang si papa sa reaction ni mama. Nasa gitna kasi nila ako.

Tapos bigla na lang may narinig akong nagsasalita sa likod.

“Grabe naman! Bakla ang anak nila? Nakakahiya.” sabi ng isang tinig ng lalake.

Napalingon na lang ako. Medyo may distansya naman pala sila. Sadyang nilakasan lang nila ang boses niya. Marami kasi sila. Isang buong pamilya din.

“Grabe. Makasalanang pamilya.” that hurts to me. Lalo na kapag ako ang pinupunto ng ibang tao kaya napapahiya din ang parents ko.

Then nagsalita na lang si mama, “Aanhin ko naman kasi ang pagiging straight ng anak ko kung tambay lang naman siya sa kanto? Mas nakakahiya 'yon!”

Pinatahan siya ni papa.

“Linda, wag mo na lang silang pansinin.” pabulong na saad ni papa.

“Kasi naman bakit ba sila ganyan sa mga bading. Wala namang ginagawang masama ang anak natin. Tapos sasabihan pa nila tayo na makasalanan ang pamilya natin?” iritang-irita na sabi ni mama.

“Mama, just let them. Besides, they don't know me, our family.” I just said.

PhilophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon