Part 22

429 11 0
                                    

Part 22: Martin? Ate Kath?

Kedd, kumusta ka naman ngayon?” Tanong na lang ng isang number na nag-send sa 'kin ng message na 'yan.

Sino ka? Kanino mo nalaman ang number ko?” I hesitately asked. Nakakakaba naman kasi. Hindi ako sanay sa mga ganitong eksena sa phone.

Isa sa mga taong may gusto sa'yo.”

Sorry pero may boyfriend na ako.”

At buti na lang, tumigil na siya sa kaka-text that day. Kaya naman binura ko na ang lahat ng sent messages ko at ang mga messages niya sa inbox ko.

Pero nakakapagtaka pa rin talaga kung sino ang nag-text sa 'kin. Ayaw ko rin namang malaman ito ni Rock. Siyempre, baka lang isipin niya na lumalandi na ang boyfriend niya, which is hindi ko naman gawain.

Bumaba na ako at naisipan ko na ring kumain ng merienda. Nagpaalam ako kay Mama na bibili lang ako ng bananacue sa palengke.

“Anak, bilisan mo lang. Baka may mag-amok na naman do'n, madamay ka pa.”

“Opo, Mama.”

I exited the door hurrily. Napapaisip pa rin talaga ako. Sino naman kaya ang nagbigay ng number ko sa kumag na 'yon? Hindi ko pati siya kilala.

“Manang, pabili naman po ng tatlong bananacue.”

Nagbayad muna ako at nagbalot na ng tatlo si manang. Pupuntahan ko nga ang boyfriend kong baliw. Na-miss ko lang siya.

May nag-text na naman. Grabe lang! Siya na naman. Binasa ko nga ba ang text. “By the way, I'm Martin. Sorry nakalimutan kong magpakilala.”

Nag-reply nga ba ako. “Pupunta ako sa boyfriend ko ngayon. Kaya tantanan mo na ang kakatext sakin!”

Talaga? Sige. Mamaya na lang kita itetext.”

(Shit!) Pwede kaya 'yon? Feel ko rin naman ang may ka-text. Pero parang gusto ko nang mag-speculate ngayon. Si Guiller na naman kaya ito? Siya lang naman ang persistent kapag nagte-text o tumatawag sa 'kin. Parang no'ng nakaraan lang, hindi niya ako tinantanan! Hanggang sa pinagsabihan ko na lang siya na ipabubugbog ko siya kay Rock. 'Yun, buti naman at tumigil.

I reached his house, at dala-dala ko nga ang merienda naming dalawa. Pero, yari ako kay Mama nito. Nakalimutan kong magpaalam sa kanya. (Nagiging pasaway na akong anak! Dyahe!)

“Hello, Rockelito!”

“Hi Kedd! Nasaan ka ngayon?”

“Eto, nasa bahay lang. Nakanganga.”

“By the way, nandito lang din kasi ako sa bahay namin. Wala si Kuya e. Nasa OJT niya.”

PhilophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon