Part 29

278 11 0
                                    


Part 29: Ano 'to? Notifs? Weird.

It was a sunny for us again. Guess what? Dito na naman ako nakitulog sa bahay nina Rock. Nagtitiwala na kasi masyado sa kaniya sina Mama at Papa. Pero kung babalikan ko na lang ang mga naganap kagabi, mukhang hihilingin ko na lang na hindi pa maulit pa.

Ano nga ba ang nangyari kagabi?

Nandiyan na 'yong nakita kong nakasando na naman si Rock.

"Kedd, babe, ang init ngayon, no?"

Humarap ako sa kaniya, at bigla na lang nautal.

"Ah... eh..."

"Ih... oh... uh...? 'Yan ka na naman, Kedd." Tapos natatawa lang siya.

"Basta, mainit nga."

Tapos bigla niya na lang tinanggal ang sando niya at kumuha ng towel. Ako naman itong tumingin sa ibang direksyon. Sa totoo lang, parusa ang ganito sa akin dahil medyo mahirap huminga kapag nakikita ko ang katawan ni Rock na tila nililok ni Guillermo Tolentino sa ganda.

Napansin ko na lang na nakasampay na pala ang braso niya sa balikat ko.

"Kedd, talagang mainit e. Pasensya na kung naghubad ako."

Parang tuod na ako sa kinauupuan ko ngayon. Hindi ako magalaw. Hindi na rin ako makapagsalita. Parang tutubuan na ako ugat ng mga oras na 'yon.

"Kedd, parang tameme ka ngayon?"

"Rock naman kasi. Bihis-bihis din! Alam mo namang..."

"Alam ang ano?" At narinig ko na naman ang baritone voice niya na labis ang kapangyarihan para pahinain ako.

"Kapag nakahubad ka, iba ang feeling ko. Nanghihina ako."

"Pasensya na talaga. Bukas na ang aircon sa kwarto pero mainit pa rin talaga. Kung gusto mo mahiga ka na lang sa dibdib ko para masanay ka."

Nanlaki na lang ang mga mata ko sa sinabi niya. Mas lalo akong napraning. Kaya naman pinilit kong mahiga kahit na alam kong maaari akong bumigay pa lalo any moment.

At tuluyan na akong napahiga sa dibdib niya dahil hindi niya na rin ako pinakawalan pa sa pagkakayakap niya sa akin. Hanggang nanonood kami ng movies ay nag-selfie na rin kaming dalawa. Nag-caption pa siya na, "With my better half; half-lover, half-full, but not half in my whole. He snatched all of it and taken me away. #snatcherngpuso #withmybabe (Kabado siya dahil wala akong sando! (Laughs).

Kahit ako ay natawa na lang ako sa kahibangan ko. Mas masarap pala sa feeling ang ganito. Na nakahiga ako sa kaniya, for the first time, na walang sando.

As the night went off after we watched several movies, nagkwentuhan kaming dalawa.

"Kedd, babe, I still feel sorry for what I did. I know that I should not have done that bullshit. Napasubo lang kasi ako kina Rod at Asser."

"Rock naman kasi, huwag na huwag mong gagawin 'yon para lang may patunayan. Alam ko namang hindi mo hahabulin ang pera dahil kaya mo pa ngang bayaran ang tatlong beses ng pinagpustahan ninyo. Pero kaya mo 'yon ginawa kasi gusto mong sabihin sa sarili mo na malakas ka. At hindi gano'n lagi ang kalakasan."

"Kaya nga no'ng mga oras na hindi kita kasama, na-realize ko na lang na hindi lang kahinaan ang ginawa ko kundi kahihiyan pa. Nahihiya pa rin talaga ako kina Mama at Papa mo. Nagtiwala kasi sila sa akin. At hanggang sa mga sandaling inakala kong galit sila sa akin ay nagtiwala pa rin sila sa akin nang dahil sa'yo. And they also thought that you made the right choice for choosing me." Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha galing sa mga mata niya.

PhilophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon