Part 4: Paganti lang, Rock! Paganti!
August na rin pala ngayon. Almost second week na rin. Buwan ng Wika pati ang sine-celebrate ngayon. Maraming meeting ang ina-attend-an namin ni Rockefeller. You read it right. Siya nga ang madalas kong kasama ngayon dahil si Acelle ay busy sa Filipino club na pinamumunuan din niya.
Nakita ko na lang na nakaupo na si Rock sa isang tabi. Agad din naman akong tumabi sa kanya. Hindi na rin siya makakapagreklamo dahil ako ang secretary.
“Yatot. Pengeng papel.”
Kumuha na lang ako ng isang intermediate pad at binigay ko na lang sa kanya. Bahala siya d'yan.
“'Yan na, kamahalan.”
Nanahimik na lang ulit ako.
Tapos nagsalita naman siya.
“Yatot. Pahiran ng bolpen.”
Tiningnan ko nga ba siya ng masama. Nakakairita na 'to! Inirapan ko nga ba. Hindi ko rin siya pinahiram ng ballpen. Bahala talaga siya sa buhay niya.
“Ano ba?” bigla niyang hinila ang sleeves ng polo ko, “Pahiram nga sabi, e.”
Inalis ko ang kamay niya sa pagkakahawak sa polo ko.
“Paisa-isa ka kasi ng hiram! Pwede mo namang sabihing penge at pahiram!” bulyaw ko sa kanya.
“Joke lang! Meron akong bolpen! Iniinis lang kita!” tawa pa siya sabay naglabas ng isang black na HBW pen!
Sa sobrang gigil ko, sinuntok ko na lang siya sa braso niya.
Napatingin na lang siya sa 'kin.
“Ikaw na bulinggit na payatot na pangit ka, nangingiliti ka ba?” bulyaw niya sa 'kin.
“Hindi! Paganti lang!”
“Ayos ka din, ano?” then inakbayan niya na lang ako.
Inalis ko nga ba agad! Nakakahiya dito!
“Payatot ka na nga, malnourish ka pa!” pangisi-ngisi pa talaga siya! Mas lalo akong nanggigil!
Tapos inakbayan niya na naman ako.
Inalis ko na naman at saka tumayo na naman ako at sinampal ko siya sa sobrang irita ko na. Hindi ko na rin kasi mapigilan pa!
Umalis na lang ako sa pwesto na 'yon at saka lumipat sa isang bakanteng upuan sa harapan. Better kung hindi kami magkasama. Nakakasira kasi ni bait. Hindi ko maaatim na siya ang kasama ko all this time.
BINABASA MO ANG
Philophobia
General FictionLove can overcome your fears inside. Pero paano naman kung ito ang magdadala ng takot sa'yo? Would you still go with it or you will conquer it and spend your lifetime with the one you feared the most. This is a story, a high school romance, that wil...