Part 16: Seized the day with Rockefeller.
Kasama ko ngayon si Rock. Kaming dalawa lang. Matapos ang incident na 'yon ng pagyawyaw niya sa corridor at ipagsigawan niyang mahal niya ako, ito na kami ngayon, magkasama, dahil kami na. Pero, sa totoo lang, natatakot pa rin ako dahil iba na itong pinasok ko ngayon. Baka kasi lokohin niya ako or something. Pero, kailangan ko ring tanggapin na kaming dalawa na.
“Kedd, ang cute mo, 'no? Bakit?” Tanong niya sa 'kin na parang pabiro pa.
“Asus! Ako pa'ng biniro mo.” I blurted out.
“Biniro? Parang hindi naman. Biro lang ba sa'yo ang mga sinasabi ko?”
“Oo, kung minsan.”
Tumahimik na lang siya bigla. Inakbayan niya na lang ako. “Pero alam mo, Kedd, walang biro 'to. Mahal na mahal talaga kita.”
Napangiti na lang ako sa narinig ko galing sa kanya. Parang ayaw ko pa ring maniwala pero talagang ang sweet niya e. Until, bigla ko na lang naalala si Rod. Nagkausap naman na kaming dalawa tungkol nga sa 'ming dalawa ni Rock.
“Kedd, alam kong alam mo rin, mas mahal mo siya. Kaya hinayaan ko na lang na siya na lang ang maging boyfriend mo.”
“Rod, I never intended to hurt you. Hindi ko talaga gustong gawin 'yon. Sa totoo lang, ang mamili sa inyong dalawa dahil alam kong pareho n'yo 'kong mahal. But I hope you understand talagang si Rock din ang mahal ko. And it doesn't mean na hindi kita minahal.”
“I know, I know. To say something more, I'm looking for another one na pwede kong ligawan. Hindi man siya katulad mo, at least alam kong mamahalin niya rin ako.”
“Thanks for everything, Rod. For loving me unconditionally, for giving me strength to believe na pwede pala akong mahalin, and thanks for sharing your life with me. Really, thanks for everything.”
“That's the least that I can for you, Kedd. If you need me, expect me to be there.”
At 'yun na nga, tanggap na ni Rod na kami na ng ulupong niyang best friend. Guess what, kinukumusta niya pa kaming dalawa kanina lang. At ngayon, nakahiga lang kaming dalawa dito sa kama ko. Gusto niya daw kasing ma-experience na matulog katabi ako. Pero hindi naman kami dinadalaw ng antok dahil panay lang ang pag-uusap naming dalawa. Useless. Gabi pa naman ngayon at maulan. So bumaba kaming dalawa at nagtimpla ng kape.
“Kedd, why so maganda?”
“Because you're so gwapo. That's why I'm maganda.”
Tapos uminom na siya ng kape. Kaming dalawa lang ang nasa kusina ngayon. Tulog na kasi sina Mama at Papa. Bukas pa lang namin sasabihin na kaming dalawa na. Nagkunwari lang si Rock na makikitulog lang dito para lang makasama ako. Ang lupit niya, ano? But, at least, napatunayan ko na mapagmahal pala talaga siya.
BINABASA MO ANG
Philophobia
General FictionLove can overcome your fears inside. Pero paano naman kung ito ang magdadala ng takot sa'yo? Would you still go with it or you will conquer it and spend your lifetime with the one you feared the most. This is a story, a high school romance, that wil...