Part 21: Sabado at Linggo, na may eksenang bahagya.
Kasalukayan na kaming nasa backstage ngayon ni Charles. In fairness naman at mabilisan ang galawan dito ngayon dahil busy na busy na ang lahat. Tapos bigla na lang may lumapit sa 'ming dalawa.
“Charles, pwede ba akong magpa-make up sa kanya?” Tanong ng babae na nakabihis na ng casual attire niya para sa opening ng pageant.
Parang nag-aalangan pa si Charles. Kitang-kita naman sa mga mata niya. Kaya naman naisipan ko na lang silang pagsabayin ngayon.
“Sige lang, sis. Upo ka na lang d'yan.” I told her.
She thanked me and prepared her own make up kit. I feel that she can do it her own. But I guess she needs help right now. Feeling ko kasi simpleng make up lang ang kaya niya. Well, anyway, I'm here.
Natapos ko nang make up-an si Charles. Sinunod ko na itong si girl. “By the way, ano'ng pangalan mo?” I asked. She replied, “I'm Shanayah. Shane for short. By the way, thanks ulit, friend.” Itinuloy ko na lang ang pagme-make up sa kanya. Tiningnan kong mabuti ang mga mata niya. Bagay ang check eye! Tapos maganda pa ang kutis niya kasi tanned. Same with Charles na tanned din ang balat. I-push ko kaya sa kanya ang Beyonce na make up? Parang keri kasi.
BB cream dito, foundation doon. Tapos samahan mo na rin ng kaunting concealer at eyeliner. May eyeshadow pa, kailangang contour na contour. At natapos ko na rin ang simpleng Beyonce-inspired na make up. Nagulat na lang ako dahil ang ganda ni Shane!
“Shane, is that you?” Asked Charles.
Tiningnan niya pa ang sarili niya sa salamin. Kahit siya, namangha sa powers ko! Ngayon, alam n'yo niya? Nag-selfie muna kaming tatlo gamit ang phone ko. Sayang din naman kung walang naka-save na pictures ng moment na ito.
I posted it on Facebook. After that, pumunta na sila sa stage at nagsimula na ang pageant. Pinapanood ko lang silang dalawa. Sana lang talaga at makapasok man lang sila sa finals o sila ang manalo kasi sila ang nakakaangat sa kabuuan. Thinking na sila lang ang tanned ang balat, they must be proud of themselves. I really believe na magaganda at gwapo ang mga tanned or black ang skin color. Kasi naman ang mga mapuputi kung minsan naidaan lang sa kulay ng balat ang ganyan.
“Shanayah Ponce. 18 years old, from the Department of Psychology!” She seems to be proud of herself. Then, nagpakilala naman si Charles. “Charles Darwin Panganiban. 18 years old, from the Department of Economics!” Ang laki rin naman talaga ng boses nitong si best friend! Tantsa ko nasa 5'10'' ang height niya.
Sumayaw pa silang lahat! Ang galing lang ng opening! Pasabog kung pasabog! Kaya naman ang mga tao dito naghihiyawan at sumisigaw. Ako naman ay sobrang natutuwa dahil buti pa dito may saysay ang mga eksena sa pageant. Samantalang doon sa 'min, may maipresenta lang sa mga estudyante.
Bumalik na silang lahat sa stage. May isang lalaking contestant na kanina pa nakatingin sa 'kin. Nagtataka na nga ba ako dahil kanina pa parang ngumingiti siya sa 'kin. Ang manyak nga lang ng eksena niya e. Sobrang creepy talaga, as in parang siya si Jason sa Friday the 13th!
BINABASA MO ANG
Philophobia
General FictionLove can overcome your fears inside. Pero paano naman kung ito ang magdadala ng takot sa'yo? Would you still go with it or you will conquer it and spend your lifetime with the one you feared the most. This is a story, a high school romance, that wil...