Part 8: Isa kang malaking sampal!
Matapos ang isa't-kalahating araw ng pangangapit-bahay kina Asser, nakabalik na rin ako sa 'min. Masaya naman ako sa pag-stay doon kasi hindi lang pala masarap na buhay ang na-experience ko, kundi isang nakakakilig na gabi with Roderick.
I admit this now, medyo nagkaka-crush na rin talaga ako sa kanya. Bumabalik ang paghanga ko sa kanya. To think na bading ako at feeling ko hindi ako karapat-dapat sa pinapakita niya, mas pinapakita niya sa 'kin na dapat rin pala akong mahalin or whatsoever man ang tawag do'n.
On the other side, hindi pa rin ako convinced sa pinakita niya sa 'kin last time. Natatakot kasi ako na baka paglaruan niya lang din ang damdamin ko so cleared out na ang mga iniisip kong nakakakilig sa kanya.
As usual, wala na naman akong gagawin. Natulog na lang ulit ako. Wala naman akong narinig na pagbubunganga kay mama.
Tapos nagising na lang ako ng umaga na. Linggo na pala. Ngayon na rin ako pupunta sa Intramuros para makipagkita sa mga kaklase ko dati.
Makikita ko ulit si Guiller. Sa tingin ko, hindi pa ako handang makita ulit siya. Kasi marami akong gustong gawin sa kanya. Pero time na rin para mapatunayan ko na talagang nakaka-move on na rin ako sa kanya.
“Anak, ihahatid ka daw ni papa mo sa Intramuros mamaya.”
“Sige po, mama. At saka, nasaan po si papa ngayon?”
“Siya ang namalengke ngayon. Dapat nga sana sasama ako kaso naglilinis pa ako ng bahay kanina.”
“May almusal na po ba?” tanong ko pa.
“May sinangag sa may kawali. Tapos 'yong ulam nasa ibabaw ng ref.”
“Salamat po.”
Dumiretso na ako sa kusina para kumain. Everything's casual. Walang bago. Pero ang magaganap mamaya, 'yon ang bago.
Habang kumakain ako, iniisip ko pa rin ang mga sweet gestures ni Roderick. Hindi ako maka-move on. Pero natatakot ako. Ayaw ko pang ibigay ang puso ko. O kung aaminin ko man sa kanya, hindi pa rin ako handang masaktang muli. Baka hindi ko na kayanin pa.
Roderick. Ang lalakeng masasabi kong pinapangarap ng mga babae at bading na katulad ko. Matangkad at tila dalwang beses ko ang laki niya. Athletic ang the best na description sa pangangatawan niya. Medyo bastos nga lan din kung minsan pero maginoo. Singkit na mga mata. Ang balat niya'y tulad ng sa isang Tsino. Manilaw-nilaw man ay namumula din naman kapag siya'y naiinitan. At higit sa lahat, nakamamatay ang sweetness niya.
No'ng una ko siyang makita, hindi naman ganito ang pakiramdam ko sa kanya. Parang ang usual lang. Pero nang makilala ko na siya nang tuluyan, nagbago na ang tingin ko sa kanya. Mas nakilala ko nga siya noong sumali siya sa Mr. and Ms. Nutrition. Sa totoo lang, sa kanilang tatlo nina Asserjan at Rockefeller, sa kanya lang ako mas nagtitiwala. Pero ngayon ay parang mawawala na rin nang dahil sa pinapakita niya.
BINABASA MO ANG
Philophobia
General FictionLove can overcome your fears inside. Pero paano naman kung ito ang magdadala ng takot sa'yo? Would you still go with it or you will conquer it and spend your lifetime with the one you feared the most. This is a story, a high school romance, that wil...