Part 30

664 22 2
                                    


Part 30: Nakakarahuyo

Lumipas pa ang mga buwan at natapos na rin ang klase. It's been a year of exhausting myself to study. I don't what life would bring me after all of what happened. At least I have learned new things about relationship. It somehow lessens my trust to Rock because of what he did. At hindi ko rin naman siya masisisi roon. He's fond of tripping sometimes.

Kasama niya akong nag-ja-jog ngayon dito sa may bandang The Fort. Promise, in just three months, tinulungan nila ako nilang dalawa ni Papa na mag-exercise. Nakakatuwa lang na willing silang dalawa na bigyan ako ng gano'ng tulong. Kaya ngayon, nagulat na lang ako sa katawan ko – lumaki na ang braso ko, ang binti ko, lahat na. Tapos tumangkad na rin pala ako kahit papa'no. Kahit isang pulgada lang, keri na.

"Kedd, you're doing great!" Sigaw ni Rock na hinahabol ko pa dahil medyo malayo na siya sa akin.

"Thanks, babe." Bulong ko sa sarili ko habang napapangiti pa.

Tirik na tirik na rin ang araw at nakita ko na lang na tumigil si Rock para hintayin ako. Pinupunasan niya ang pawis niya sa mukha. Ngumiti ulit siya at sakto namang nakarating ako sa kinatatayuan niya. Pinunasan ko rin ang pawis ko at bigla niya na lang akong hinalikan sa pisngi.

"Congrats, babe! You're getting better. I'm so proud of you."

"Thanks, babe. Nakakainis ka pa rin. Medyo malayo pa pala ang tatakbuhin nating dalawa!"

Natawa lang siya sa sinabi ko.

"Sorry. Pero talaga, magaling! You did it. Much better."

Naglalakad na kaming dalawa pabalik sa Market Market para mag-shortcut pabalik sa amin. Ihahatid niya raw ako bago siya umuwi.

"Babe, saan-saang universities ka nakapasa?" tanong niya sa akin.

"Sa FEU lang kasi ako nag-exam. Wala nang iba pa."

"Guess what?"

"Ano naman 'yon?"

"I passed UP! Damn!" He surprised me.

Hindi ko na alam ang mararamdaman ko para sa kaniya. Ang tindi na talaga ni Rock. At siyempre, nandito lang ako para suportahan siya. Mas maganda kaya na magkalayo ang school – sa tingin ko lang naman. Mas exciting at mas matindi pa ang haharapin namin dalawa.

"So Kedd, I think maghanap na tayo ng apartment sa Quezon City."

"What? Apartment? Baka hindi kasi pumayag sina Papa at Mama sa ganyan."

"Hala? Hindi mo alam?"

"Hindi alam ang alin?"

"Nag-usap pala ang mga parents natin nang hindi natin alam. Plano nilang maghanap ng apartment para sa ating dalawa habang nag-aaral sa college."

"What?"

"Alam ko. Nakakagulat, 'di ba?"

"Oo. Hindi ko expected 'yon. Pero hindi pa rin sila nakakahanap ng apartment?"

"Nakahanap na yata? So technically, hindi na tayo maghahanap pa."

"Good."

"What's with that "good", Kedd?" Ngumisi na lang siya sa akin.

"Sira! Alam ko 'yang nasa isip mo, Rockefeller Digo!"

"Joke lang. Baka kasi hindi "mo" nga "kayanin."

"Timang!"

"Kunwari ka pa!" pang-aasar niya pa sa akin.

Natawa na lang ako dahil ang lakas talaga ng trip niya.

PhilophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon