Part 13

861 22 4
                                    

Part 13: Bad hair day o arte ko lang talaga? 

Nevertheless, wala na namang bago sa mga nangyayari sa paligid ngayon kapag walang ginagawang anomalya ang tatlong pugo ngayon, kakaiba lang dahil ang tahimik nilang tatlo ngayon. Halos matatapos na rin ang class namin ngayon at walang ginagawang kalokohan sina Rock, Rod, at Asser. Ano kaya ang nangyari sa kanila?

Hanggang sa natapos na lang ang aming klase ngayong araw na ito. Past 12 na rin kasi. Sinubukan ko silang tanungin. Anyway, pauwi na kami ngayon at naglalakad na.

“Hoy! Ang tahimik ninyo ngayon. Nakakaloca lang, huh?” medyo bulalas kong saad sa kanilang tatlo.

Well, wala akong napalang sagot galing sa kanila.

Hinawakan ko nga ba si Rod sa kamay. Napansin ko naman na parang hapong-hapo sina Rock at Asser. Parang may sakit kasi silang tatlo. Ang tahimik talaga ngayon.

Sabay nagsalita na lang si Rock ngayon.

“Mga 'tol, Kedd, doon muna tayo sa bahay namin ngayon.”

“Sige lang.” hinang-hinang sagot ng dalawa.

Ako naman, parang tanga lang na napapatingin sa kanilang tatlo.

“Sandali nga lang, bakit parang Biyernes Santo na naman ang mga mukha ninyo? Ano bang meron?” I'm too confused with what they are acting now. Parang alam ko na ito, huh. May sakit nga sila. May afternoon chills kasi si Rod. Kanina pa pala sila nagtitiis.

“Kayo ngang tatlo. Bakit hindi kayo nagsasabi na may mga sakit na pala kayo?” napagalitan ko pa tuloy.

“Wala ka na do'n!” pasigaw na sinabi sa 'kin ni Rock.

“Kailangan ko rin kayang malaman, ano? Kaibigan n'yo ko, hoy!” paanas ko ring banat sa kanya.

“Bakit pa namin sasabihin? Bahala ka nang umalam d'yan!” sabi ni Rod sa 'kin.

“Ang harsh lang, huh? Ang imperil kapag may sakit?” I'm more like pissing off myself.

Kaya hindi na ako nagsalita ulit. Mas pinili ko na lang na manahimik dahil wala namang mangyayari kung itutuloy ko pa ang pagi-interrogate sa kanila.

Tumitingin-tingin na lang ako sa paligid. Nasa Yellowbell na pala kami. Tapos lumiko na lang kami papunta sa bahay nina Rock. Malapit na lang din kasi dito.

May natanaw akong bahay na kulay beige. Ang ganda lang kasi. Ang sarap tingnan. May gate pang kulay red. At may mga halaman din ito. And I found out na bahay na pala iyon nina Rock. Sinabi niya kasi sa 'kin e. As usual, nagmayabang na naman po siya.

Pumasok na kami sa bahay nila. Walang tao. Umupo agad silang tatlo. Maganda ang bahay nina Rock. Simple lang ang style. Usual or typical na Filipino home. Parang bahay lang din namin. Ang pinagkaiba lang, malawak ang espasyo at hindi masyadong puno ng gamit.

PhilophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon