Part 23.1

412 8 0
                                    

(Special Part 23.1)

(Rockefeller)

“Alam mo, Rock, naiinis na talaga ako sa isang stranger na nagte-text sa 'kin! Nakaka-stress nang malala!”

“Hayaan mo na...” May sasabihin pa sana ako nang bigla na naman siya.

“Paano? Paano kong hahayaan 'yon? Tuwing gabi na lang ring nang ring ang phone ko! Talagang hindi niya ako tinatantanan.”

“Pero babe...” At 'yan na naman siya. Sumingit na naman.

“Hay naku! Give some advice naman, babe! Nakakainis, huh? Have some feels.”

“Babe, tahimik ka ngayon?” Tanong sa 'kin ni Kedd na nag-aalala sa 'kin.

I gave him a silent treatment. Lately kasi, medyo maingay siya. Alam niya naman na ayaw ko sa maiingay. Kaya kung minsan hindi ko na lang siya masyadong kinakausap. If he hated me for being showy last time, I'm definitely hating him for being nuissant and sometimes for being quick-tempered guy. Mas madali kasing uminit ang ulo niya kaysa sa 'kin.

Tumayo na lang ako sa upuan at umalis na sa kanila. Puro kasi na lang siya ang nagsasalita.

“Rock, babe, ano'ng problema?”

“You see, lessen your noise. At saka, let me speak sometimes.”

“OK! OK! 'Yun lang naman pala. E kasi naman hindi mo ako kinikibo d'yan kung minsan. Kaya tuloy ako ang nagsasalita. Pasensya na kung maingay ang boyfriend mo.”

“What the hell was that, Kedd? Parang mali ko na naman 'to.”

“Oo. Kasi binibigyan mo na lang ako ng silent treatment nang hindi ko alam.”

“Gusto mo bang ipaalala ko sa'yo 'yung naganap sa Gateway dati, huh?” I got really irritated. “Ngayon lang ako may hihilingin sa'yo before anything else. Please, be considerate. Hindi ibig sabihin na mahal kita ay ikaw na lang ang dapat na maging concern sa relasyon natin. You see, it's been three months and you only consider yourself. Try to consider me sometimes.”

“Oh, sure! That's all what you want?”

“Oh fucking yes!”

“Then I'll give it to you. I won't be so noisy anymore, as you wish.”

Mas lalo pa akong nainis. Umalis na ako nang tuluyan. Nakakaasar na talaga siya kung minsan. That's he's secret. Mukha lang siyang tatahi-tahimik, pero maingay talaga siya. Of course, OK lang naman sana sa 'kin. 'Yun siya. Pero kung nagi-interfere na 'yon sa maayos na communication naming dalawa. Lagi na lang siya ang salita nang salita.

Naabutan kong nandito na sina Kuya at Papa. Galing kasi sila kina Kuya Glas. Nagpaiwan pa man din ako para samahan si Kedd. Siyempre, para sa 'kin, mas masaya pa ring siyang kasama. Talagang nakakagalit lang ang gano'n niyang behavior. Well, I can't expect nobody to be perfect.

PhilophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon