Part 27: "Que Barbaridad".
It was a sunny day for me since that breakup three weeks ago. The hardest to do was to forget him. Though I can't still do it, I'm trying my best to do that. I mean, I don't want to force myself to forget that easily. As usual, magkikita na naman kami ni Sanjo ngayon. We will be talking about something.
I called him.
"Sanjo, nasaan ka na?"
"Nandito na ako sa terminal papuntang Megamall. Nasaan ka na rin ba?"
"Nandito na ako sa Mercury, naglalakad papunta r'yan."
"Sige, malapit ka na pala. Bye."
"Bye."
Bumili muna ako ng candies para hindi ako ma-bore sa biyahe. To my amusement, nakita ko na lang na naglalakad sina Rock at Asser papunta sa terminal. I just snubbed their presence. I rushed to the gates of the terminal at nakita ko na si Sanjo. Malapit lang sa aming dalawa sina Rock at Asser. Isang tao nga lang ang nasa pagitan naming dalawa.
"Nakakaloca lang last time. May bigla na lang nag-approach sa akin sa class. Sabi ng mga kaklase ko, may crush daw 'yon sa 'kin." Pagbabanggit ni Sanjo sa akin.
"Talaga? Ganda mo kapatid!"
"Naman! Pero ikaw ba, may balak ka pa bang magpaligaw?"
May umubo na lang bigla. Si Rock pala.
"Wala na siguro. Nakakapeste lang e. Kung sa past relationship ko nga, hindi pa rin ako maka-move on, maghanap pa kaya ng iba, magawa ko?"
"Well, may point ka. Hayaan na nga lang natin. Pero talaga, pinag-iisipan ko rin kung makikipag-date ba ako kay Warren."
"Siya ang manliligaw mo?"
"Oo, pero nag-aalangan talaga ako ngayon. Medyo nahihirapan din ako mag-move on."
Tapos narinig na naman namin ang dalawa na nagsasalita.
"Pa'no ba 'yan, Rock, mahal pa rin niya ako. May pag-asa pa ako."
"Ako rin naman, a! May pag-asa pa."
Nagpaparinig ang dalawa sa amin. Pinagpatuloy na lang namin ang pag-uusap.
"Si Lukas na nag-aaral sa Fort Bonifacio High, gano'n din sa akin. Nanliligaw. Pero I want to keep myself single. Nakakaloka rin kasi ang may boyfriend. Hindi healthy kapag isusugal ka lang pala."
Natahimik ang dalawa. Wala na akong pakialam sa maririnig ng iba sa usapan namin ni Sanjo, lalo na ang dalawang ito na kanina pa nagpaparinig sa aming dalawa. Tiningnan ko nga si Rock. Bigla na lang siyang umiwas ng tingin sa akin. Pero unti-unti, nakakaya ko na.
Sanjo and I are already here at SM Megamall. Balak lang naming mag-liwaliw at binalak na rin naming hindi pumunta sa prom. Useless na rin kasi.
"Anyway, beks, sabi mo may raket ka, 'di ba?"
"Oo. Maraming classmates natin ang magpapa-make up para sa prom. Wala kasi akong katulong mag-make up."
"I can help you bakla. Hindi ka man lang nagsasabi sa akin."
"Talaga?"
"Oo naman! What are friends are for, bakla?"
"Thanks! Pero hahatian talaga kita sa kita."
"Magkano ba ang singil mo?"
"1000 kada isa."
"Hair and make up na 'yon?"
BINABASA MO ANG
Philophobia
General FictionLove can overcome your fears inside. Pero paano naman kung ito ang magdadala ng takot sa'yo? Would you still go with it or you will conquer it and spend your lifetime with the one you feared the most. This is a story, a high school romance, that wil...