Part 23

442 12 0
                                    

Part 23: This. Day. Is. Incredibly. Awesome!

Nag-text sa 'kin si Martin. Nakakawindang na talaga. 'Yung pakiramdam na araw-araw na lang akong worried. Pero may napapansin lang ako. At hindi ko malaman kung sino ba ang dapat kong pagsuspetsahan. Kung sinuman ang nasa isipan ko, mukhang itatago ko muna.

Kedd, since that day, hindi na kita makalimutan.” Text ni Martin sa 'kin.

Tantanan mo na ako! Please!”

Halos maiyak na ako. Kaya naman ang ginawa ko na lang ay ni-block ko na lang ang number niya. Huminga muna ako nang malalim. Tapos, bumaba at uminom nang tubig. Inisip ko na lang na mamaya na rin pala ang Christmas Party namin sa school. Ang aga-aga, ganito agad ang nare-receive ko. Sasabihin ko na nga ito kay Rock.

Kumatok si Mama. Sasabihin ko na talaga ito sa kanya. Agad-agad akong tumayo sa kama at pinagbuksan si Mama.

“Anak, mamaya na ang Christmas Party mo. Excited ka na ba?” Tuwang-tuwa na pagpapaalala sa 'kin ni Mama.

“Opo.” Medyo walang gana kong sagot sa kanya.

Kumunot ang noo niya. Mukhang napansin niya na. “O, ano'ng problema, anak?” At tumabi siya sa 'kin. Niyakap muna ako at ngumiti siya. “Sige, sabihin mo lang.”

“Mama, kasi po, may isang lalake na nagte-text sa 'kin halos dalawang buwan na po ang nakakalipas. I don't know how to face it or say it sa inyo pong lahat.” I bow down sa sobrang panghihinga.

“Sana sinabi mo agad sa 'min ni Papa mo. Ipapa-trace natin 'yan!” Medyo galit na saad niya.

“Hayaan n'yo na po, Mama. Hindi niya naman po alam kung saan tayo nakatira.”

“Pero papaano na lang kapag nagkaroon siya ng ideya kung saan ka naglalagi?” Napabuntong-hininga na lang si Mama sabay sabing, “Mukhang kailangan na naman kitang sunduin.”

“Ma, 'wag na po. Tinuruan naman po ako ni Rock ng self-defense para proteksyon ko sa masasamang loob.”

“Talaga? Ano naman ang mga tinuro niya sa'yo?” Mukhang napalitan ng amazement si Mama. Nakakatuwa. I smiled a bit.

“Tinuruan niya po akong mag-taekwondo at boxing. Kaya nga po medyo lumaki na rin tuloy ang katawan kong slim. Kaya po kapag Saturday ng umaga, madalas kaming mag-jogging.”

“Sa totoo lang, good influnce sa'yo ang boyfriend mo. Alisin niya lang talaga ang pagiging bugnutin niya, ayos na siya.”

“Pero, Mama, thanks for being the best mom in town.” Tapos niyakap ko na lang siya.

Tumayo na ako. Napansin kong naghahanda si Papa ng almusan namin. Tumulong ako sa paglalagay ng mga plato sa mesa. Pinaupo ko na si Mama at kami na rin ni Papa ang naglagay ng kanin at ulam sa kanyang plato.

PhilophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon