Part 5: Give me a breadknife, please! Itatarak ko lang kay Rock!
Instead of painting blue all over my face, I chose to find some ways to paint red all over myself. What I mean is I want to be happy even if Rockefeller is right here beside me. Nandito na naman kasi ako sa backstage. Kasama ko siya. Actually, tahimik lang siya.
Inaayos ko na ang mga gagamitin para sa kanya. I'm pulling out make ups and other accessories para magamit niya ngayon. Ang ganda rin naman kasi ng isusuot niyang costume. Gold and red ang combination. And then, si Lauren naman ay parang mala-Princess lang ang peg niya sa outfit niya. Pero kulay red din naman ang motif para mag-compliment sila sa isa't-isa.
“Yatot! Ano nang gagawin ko?” inis niyang tanong sa 'kin.
“Chill ka lang. Magbibihis ka na ng costume mo.” sabi ko sa kanya.
Well, nagulat na lang ako sa paghuhubad niya ng shirt. Napatingin na lang ako sa katawan niya. Walang masyadong abs pero ang sexy! Ito na naman ako! Naku! Hinding-hindi ko talaga magugustuhan ang lalaking 'to! EVER! Hell no!
“O, nakatingin ka na naman sa kagwapuhan ko?” narinig ko na lang na sinabi niya.
Bumalik na lang ang utak ko sa ayos nang marinig ko siyang magsalita. Hindi ko kasi namalayan na nakatitig na pala ako sa sexy niyang katawan.
Para naman mawala sa isip niya 'yon, bumalik na naman ang activation ng 'taray mode' ko.
“Naku! May kagandahan din ako! Punyatera! Mayabang ka na naman!”
“Sige na! Bihisan mo na ako!” 'Yan na naman po siya sa pang-aasar niya.
“Wow! Tumulong ka rin kaya, ano?” at tumaas na naman ang kilay ko!
I sighed and said, “Ano pa nga ba'ng magagawa ko? Wag kang malikot d'yan, huh? Mahahampas talaga kita.” I threatened him.
“Oo na! Dalian mo na kaya.” maangal talaga siya! Nakakairita na talaga! Sobra!
Kaya naman binihisan ko na siya. I must say na bagay sa kanya ang suot niya ngayon. I'm really looking on the clothes and it really fits to him. Gandang lalake din kasi ng hinayupak na 'to, e. Pero masama lang talaga ang timpla namin sa isa't-isa.
“OK! Make up-an na kita, huh?”
“Sige lang.”
Tapos umupo na siya ulit. Sumusunod naman siya sa mga sinasabi ko. Simpleng instructions lang naman kasi 'yung mga sinasabi ko sa kanya.
I'm now putting make up on his face. Madaling lagyan ang mukha niya ng kolorete dahil tamang-tama sa complexion niya ang ginagamit kong liquid foundation. Tamang dami lang naman ang nilalagay ko. Mahirap na. Baka magreklamo pa siya at ipatanggal na lang ang make up sa 'kin.
BINABASA MO ANG
Philophobia
General FictionLove can overcome your fears inside. Pero paano naman kung ito ang magdadala ng takot sa'yo? Would you still go with it or you will conquer it and spend your lifetime with the one you feared the most. This is a story, a high school romance, that wil...