Part 14

920 20 9
                                    

Part 14: Movie Date?

Nagising na lang ako sa ingay nitong nakakairitang alarm ng cellphone ko. I looked on to it. It's nine o'clock in the morning. Agad-agad naman akong bumangon at bumaba para uminom ng tubig at maglabas ng sama ng loob.

Lumabas lang ako sandali dito sa likod-bahay.

Si mama ay naglalaba. Si papa naman ang nagsasampay ng mga nilalabhan ni mama. Ang cute lang talaga nila tingnan. Nakakainis na nga kasi ang sweet pa rin nila sa isa't-isa. Kaya siguro iilang beses ko pa lang silang nakikitang nag-away.

“Mama, papa, good morning nga po pala.” bati ko sa kanila.

“Good morning, anak!” bati nila sa 'kin.

“Kedd, anak, nasa ibabaw lang ng ref ang ulam. May sinangag pa doon sa may kawali.” sabi ni mama sa 'kin.

Nakatunganga lang kasi ako sa kanila. May meeting pa pala kami ng mga kaklase ko mamaya para sa aming movie project para sa English.

“Opo, mama. Sige po, kakain na ako.”

Tinungo ko na ang kusina. Natutuwa naman ako kasi ang ang ganda lang ng gising ko. Though, that thing happened yesterday still makes me think 'til now.

Ang O.A. ko lang din naman kasi. Pero parang walang ka-respe-respeto kasi sa ginawa nila sa 'kin that Thursday. It's so threatening on my virginity, I guess.

Kumain na rin ako at naligo. Then nagbihis lang ng shirt and pants. Sa may East Rembo pa kasi ang bahay ng leader namin at doon daw kami magkikita. Well, hindi ko alam ang papunta doon kaya naman magpapasama na lang ako kay Rock.

Tinawagan ko siya. Well, nagri-ring pa rin. Hanggang sa sinagot niya na.

“Hello, pasas.”

“Hi. Pwede bang sabay na tayong pumunta kina Kristel mamaya sa East Rembo?”

“Sige lang. Saan tayo magkikita?” tanong niya.

“Sa may palengke na lang ng Pembo.”

“Sige. By the way, paalis na rin ako. Ikaw ba?”

“Ito na nga ako e. Palabas na ako sa bahay namin. Sa palengke na lang, huh?”

“Sige. Bye.”

That was not casual. Medyo may nararamdaman na rin kasi ako para kay Rock. Ang dami na talagang gumugulo sa isip at puso ko ngayon. Nakakabaliw pala kapag dalawang tao ang nagpapatibok ng puso mo. Para kang sasabog anytime na kasama mo silang dalawa. Natatakot ka namang umamin sa isa kasi may masasaktan ka.

Sinuot ko na ang sapatos ko. Nagdala na rin ako ng maliit na shoulder bag na naglalaman ng papel at ballpen.

PhilophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon