Part 7: Roderick, why so sweet?
Kasisimula pa lang ng September. Maganda rin ang simula ng buwan na 'to kasi mas naging close pa ako kina Rockefeller, Roderick at Asserjan. Siyempre, kasali na rin sila sa circle of friends namin nina Paul John, Ian, Ingrid, at iba pang mga friends ko.
We are now walking papuntang canteen. Kakain na kasi kami ngayon dahil recess. Kasama ko rin sina Ingrid, Acelle, Paul John, Ian.
“Asser, sleepover tayo sa inyo sa Sabado.” biglang saad ni Roderick.
“Sige lang! Wala na naman kasi ang parents ko at saka mga kapatid ko.” sabi naman ni Asserjan.
“At saka, Ingrid, Acelle, sama na rin kayo, Paul.” pag-aaya sa kanila ni Rock.
“OK lang. Anyway, KKB ba?” tanong namin ni Paul.
“Hindi! Sagot ko na lahat!” said Asserjan.
Napa-'YEHEY' naman kaming lahat at isa-isa na rin kaming nakauwi. Nakasanayan ko na rin na hinahatid ako ni Roderick lagi dahil may shortcut kasi sa way ko papunta sa kanila.
I already entered our house. Nabungaran kong nakaprente ng upo si mama sa sofa at nanonood ng TV. I guess may naluto na rin siya for me.
“Hello, mama!”
“O! Anak, kumusta naman ang school?”
“Ayos naman po mama.” tapos inilapag ko muna ang bag ko at umupo sa tabi niya.
She ruffled my hair.
“Anak, kwento ka naman ng mga nangyari sa school mo ngayon. Be it bad or good.”
“Wala naman pong naganap na masama. Puro good naman. At saka po, mama, pwede po ba akong maki-sleepover sa Yellowbell? D'yan po sa may bahay ng classmate ko?”
Napatingin sa 'kin si mama. Parang nagtataka.
“Ano? Sleepover ba kamo? Baka hindi ako pumayag.” she said with assurance.
Napasimangot na lang ako. Kay papa na nga lang ako magpapaalam. Kapag hindi rin siya pumayag, no choice. Pero, I'll try na pilitin si mama.
“Mama, please, sige na po!” naka-pout pa ako. Nagpapa-cute para maawa si mama.
Nakalingkis pa ang mga braso sa braso niya. Para naman mas effective ang pagpapaawa ko.
“Alam mo namang hindi papayag ang papa mo 'di ba? At saka, bakit ka pa makikitulog sa ibang bahay kung meron naman tayong sarili? Ang weird mo, anak!”
BINABASA MO ANG
Philophobia
General FictionLove can overcome your fears inside. Pero paano naman kung ito ang magdadala ng takot sa'yo? Would you still go with it or you will conquer it and spend your lifetime with the one you feared the most. This is a story, a high school romance, that wil...