Part 20

443 17 0
                                    

Part 20: Rock, Rock. Ang kulit mo talaga.

May tumawag na lang bigla sa 'kin at gusto daw ako ang mag-make up sa anak niyang lalake. Alam kasi ni Mama na ako ang nag-make up kina Rod at Rock. Nagalingan kasi si Mama. Kaya naman, ito ako ngayon at mahihiwalay saglit kay Rock. Pero parang labag sa loob ko. Ang layo naman kasi! Sa Batangas pa 'yung contest! (Ka-Rita Avila, 'di ba?)

“Anak, ingat ka, huh?”

Si Rock naman, nakasimangot dahil imbis na matutuloy ang date namin sa Sunday, e cancelled dahil hindi naman mahindian ni Mama ang friendship niya. Kakaloca lang talaga!

“Rock, kahit naman nando'n ako, pwede naman tayong magtawagan, 'di ba?”

“Oo, pero siyempre, iba pa rin kapag kasama kita rito.”

“Anyway, that's so gay of you, Rock. I love you more tuloy.”

“Opo naman, Mama!”

Tapos no'n, we exchanged kisses and hugs.

“I know, right? You turned me into this. So it's your fault.” Then he hugged me.

“I love you, RockieRoad.”

“I love you too, DeadKedd. 'Wag kang mai-in love doon sa lalakeng 'yon, huh? Magagalit talaga ako!”

“Sure, hindi ako mai-in love doon.”

What a surprise, he kissed me in front of Mama! Dyahe sa feeling! Pero aaminin ko, 'yon ang mami-miss ko kay Rock. And hell yeah, he's tattoed in my mind and heart.

Umalis na kami ng kumare ni Mama. Si Auntie Melba. Kilala ko naman siya. Actually, friends din kami ng anak niyang lalake. Si Charles. Si 'Payat' kung tawagin ko dati. Though, pareho kaming payat. Mas payat nga lang siya sa 'kin.

“Naku, Kedd. Ang laki na rin talaga ng pinagbago mo. Ang gwapo mo nang bata ka!” Tapos kinurot ako ni Auntie sa pisngi.

“Thank you po, Auntie. Si Charles po ba tumaba na?”

“Hindi lang tumaba, gumanda pa ang katawan!” Singit naman ni Uncle Demetrio.

“Gano'n po ba, Tito? Sana naman walang nagbago sa ugali niya.”

“Meron e. Naging balidoso na siya. Pero masunuring bata pa rin naman si Charles. Actually, dean lister siya last year sa school niya sa La Salle Dasma.”

“Ano po ba ang course niya doon?”

“Economics major siya doon.”

“Wow! Talaga po?”

“Oo. Ikaw ba, kumusta ka naman ngayon sa school ninyo?”

PhilophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon