GGY 4: Our Past

223 10 0
                                    

<Maine's POV>

Biglang naglabasan ang mga kabayo sa dibdib ko, at nagsiliparan ang tutubi sa tyan ko, kinabahan na rin ako dahil sa sinabi nitong si Alden sa mama nya.

"Hoy, ikaw, binubola mo na ang mommy mo, pinapaasa mo pa ko" saway ko sa kanya, sabay hampas sa braso nya, pero mahina lang.

Hindi nya pa rin ako tinitignan.

"Mom, ano, pwede na po ba? mabait naman po sya, eh" sabi nya ulit.

This time hinatak ko na sya para tignan nya ako.

"Ano bang mga pinagsasabi mo huh?" Medyo inis na tanong ko sa kanya.

Ewan ko, hindi ko rin alam kung bakit ako naiinis sa mga sinasabi nya. Hindi kaya??????

Noooooo, hindi pa pwede.

"Kay mommy ko lang nasasabi yung totoong nararamdaman ko" sabi nya while looking straight to my eyes.

"Ano bang ibig mong sabihin?"

Bakit ba kasi masyado akong pinahahalagahan ng lalaking to?

"Hindi mo pa rin ba gets?" Tanong nya.

Humarap sya sakin at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Alam kong masyadong mabilis, pero the first time I saw you, pakiramdam ko gusto kitang habulin para tanungin ang pangalan mo. Tinanong ko pa nga sa guard nung hotel kung guest ka dun o kung ano, eh. Then nung nasa mall ako ikaw pa rin ang nasa isip ko. Sabi ko pa nun sa sarili ko, pag nakita ulit kita, malamang ikaw nga ang binigay ng Diyos para sakin" sabi nya ng super seryoso sakin, 0akiramdam ko matutunaw ako sa mga titig nya.

Nakatingin lang ako sa kanya habang sinasabi yung mga salitang binitawan nya sakin, pero bigla na lang ako natawa dahil sa salitang bigay ng Diyos.

"Bakit ka natatawa?" tanong nya.

"Parang God gave me you?" tanong ko.

"Oo" sagot nya.

"I hate that song" sabi ko, napakunot naman ang noo nya after ko sabihin sa kanya yun.

"Bakit naman?" tanong nya.

"That song was supposed to be my wedding song"

"What do you mean?" nagtataka nyang tanong.

Huminga ako ng malalim.

"Yung lalaki kanina sa boutique? yung husband to be ni Chloe?"

"Oh, si King?" tanong nya na tinanguan ko,

"His my long time boyfriend, we've been together for almost 6 years. A month after his birthday was supposed to be our wedding month. Everything was set, the invitations, the gowns, the venue, the church, the priest, the visitors, lahat handa na, araw na lang ang hinihintay namin" Pag-uumpisa ko.

"What happened? umatras sya? O narealize nyo na bata pa kayo?" tanong nya.

"Nalaman kong buntis ang brides maid ko, which is si Chloe. Lahat kami nagtataka, eh, wala naman kasi kaming alam na may boyfriend sya. Then one day, tinawagan ako ni King, sabi nya may aaminin sya. Then that's it"

"Sya ang tatay nung baby ni Chloe?" tanong nya, tumango lang ako.

"Yung baby kanina, ayun yun, sya yun"

"Pano naman yun nangyare?" Tanong nya.

"Hindi ko alam, basta hindi na ko nagpakita sa kanila, ganun din naman ang ginawa nila, eh"

"Eh, bakit ngayon, kasali ka sa maid of honors ni Cloe?"tanong na naman nya.

"Aba malay ko sa babaeng yun" sagot ko naman.

God Give me YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon