GGY 53: MaiDen

233 5 0
                                    

<Maine's POV>

Dito pala sa Church sa Bulacan ang set, kaya medyo malapit lang.

Pero nasa isang Hotel kami ngayon, nasa kabilang room si Alden. Sabi kasi nila ipakikita sa movie yung preparation ng wedding, kaya kailangan ding kunan ako habang naghahanda.

Huminga ako ng malalim, 5 minutes na lang daw kasi start na, tinawagan ko muna si nanay to check on Reyn .

"Nay, si Reyn po, kamusta?"

"Anak, ang aga-aga pa, tulog pa sya, so relax, Kami bahala sa apo namin, sige na bye" sabi nya saka na binaba yung phone, "agad agad? ayaw ako kausap?" tanong ko doon sa phone ko.

"Ahm, miss Maine, okay na po kayo? ready na?" tanong nung babae sakin, tumango naman ako habang naka thumbs up.

Nag-umpisa na yung make-up artist na ayusan ako.

Medyo matagal tagal din to, isang oras mahigit nya na kasing inaayos yung hair ko. Ganito pala ang feeling nng ikakasal?

Para akong bibitayin sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Feel na feel ko, eh, kala mo totoo haha.

Well ganito nga kaya ang nararamdaman ng mga ikakasal o baka lang kasi ako ay kinukunan ng camera?

Well, habang inaayos yung hair ko, tumulong na yung isa pang make-up artist na ayusan ako.

After ng hair ko, sinabihan na kong magbihis.

Ay ang ganda nang gown ko, este nung gown na pinapasuot sakin, parang ito yung ini-imagine kong gown ko, ah.

Ang puti nya, hindi sya ganun karevealing, kasi parang may net na nakadoble dito mula sa shoulder hanggang sa bewang. At ang haba nya. Kung yung kay ate Marian nung kinasal sila ni kuya Dingdong mahaba, ito siguro kalahati nun, or mas mahaba lang yun ng konti. Tapos mula taas hanggang baba punong puno sya ng mga embroidery na syang nagsilbing design nung gown.

Pati yung heels type ko, tapos yellow flower pa yung bouquet ko.

Pwede kaya to hingin after ng tapping? ito na lang gagamitin ko sa real wedding namin ni Chard, echos!

Paglabas ko after ko magbihis, lumabas na yung mga staff kaya naman sinundan ko lang sila hanggang sa makababa kami ng hotel. Paglabas ko, may isang magandang white Bentley car na naghihintay sakin.

Pinagbuksan pa ako ng pinto ng driver at hanggang doon sa loob, may camera.

Pagdating sa church. Inistop na yung camera, lumapit yung isang staff sakin and told me na maghintay muna. Gusto ko sanang silipin yung nasa labas, kaso madaming nakaharang na staff, eh.

<Alden's POV>

Pagdating sa church, wala pang tao except samin ni Kristoffer and yung ibang crew.

Ang gara ng design ng simbahan, ah, ang ganda ng pagkakaayos, galing talaga ng art dept namin. Yellow roses yung design, yellow din yung motifs. For sure matutuwa si Maine nito at gugustuhing ganito na din ang motifs namin pag kinasal ulit kami.

"Bro, sinong bride's maid ni Maine?" tanong ko kay Kris.

"Hindi ko rin alam bro" sagot nya.

Pagtingin ko sa relo ko, malapit na mag alas dyes.

"Alden, Kris, pwesto na kayo" tawag nung staff samin.

Pero napansin kong wala pa yung ibang mga extra, yung mga magiging maid of honors at groomsmen, mga ninong at ninang. Pero pumwesto na ko at hindi na nagtanong.

Pagkapwesto ko sa paghihintayan ko, kasunod ko si Kristoffer, tapos bumukas ng malaki yung pinto ng church.

Unang pumasok yung mga parents, nagulat ako ng makita kong si dad yung naglalakad sa aisle ng solo, sinundan naman sya ni nanay Mary Anne at tatay Teddy.

God Give me YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon