GGY 23: Safe saved!

145 6 0
                                    

<Maine's POV>

"Hoy, san kayo pupunta?" tanong nitong mga katabi ko sa mga kasama nilang nagsitakbuhan.

"Natuluyan na ata, eh!!" sigaw nung isang nahuhuli sa pagtakbo.

Nagsitakbuhan silang lahat at iniwan ako dito na nakatali habang si Alden nakahandusay.

"Hoy, san kayo pupunta? pakawalan nyo kami.......... ay ako lang pala....HOY!!!HOY!!" tili ko habang palabas silang lahat hanggang sa mawala sila sa paningin ko.

"Hoy Alden,!!! Alden! gumising ka nga dyan!! hoy!!! Wow, iniwan na nila tayo dito, Uy!" tili ko.

Hanggang sa nakita kong nakatali lang pala sa marupok na kahoy yung taling nakatali sa kamay ko.

"Ano ba naman to, kaninang madaling araw pa ko nakatali dito, nangangalay na ko. Sana pala dinuyan ko na yung sarili ko para naputol na tong kahoy na to" sabi ko sa sarili ko.

Nagpabigat at nagtatatalon ako hanggang sa......

"AAARRAAYY" Tili ko nang mapa-upo ako kakatalon.

Naputol nga yung kahoy, nalaglag naman yun sa ulo ko, tapos lumagapak pa yung pwetan ko sa sahig.

Agad kong pinuntahan si Alden, kahit na medyo ika-ika ako sa paglalakad dahil sa sakit ng pwet ko.

"Hoy, Alden gising, wala na sila, gising na hoy!!!" sabi ko habang inuuga sya.

Pero ayaw nito gumising, bakit ba naman kasi wala syang kasamang pumunta dito, eh, tanga talaga tong lalaking to!

"Alden, Couz!!" tawag bigla ni Johan.

<Johan's POV>

Mahigit isa't kalahating oras na kong nag-aantay dito sa kotse, ilang minuto na rin ang nakalipas mula nung may mga taong naglalabasan mula sa abandoned building.

Tinignan ko sila isa isa, at vinideo ko pa ang pagtakbo nila at pagdaan pa dito sa kotse.

Nang makalayo na sila, saka na ko lumabas at tumakbo papunta sa loob.

Nalintikan na, ang dilim dito, san naman kaya nila nilagay sila Alden?

Pakapakapa ako, at tanging ilaw lang ng phone ko ang gamit ko, hanggang sa pagliko ko,,,

Nakita ko si couz na nakaupo sa sahig at hinihimas yung ulo na nalaglagan ng ewan ko kung ano.

Pinanuod ko sya hanggang sa tumakbo sya, akala ko nakita nya na ako at tatakbo sya papunta sakin. Pero laking gulat ko ng lumuhod ito sa tapat ng lalaking nakahandusay sa sahig na medyo duguan.

"Alden, Couz!!" bungad ko, napatingin sakin ang luhaang si Maine. Habang nakapatong ang mga kamay sa katawan nung lalaki.

"Hoy, san ka galing, bakit ngayon ka lang!?"  pasigaw na tanong nya.

"Sa kotse, pinalayo ko muna yung mga lalaki, bago ako pumasok" sagot ko habang kinakalag ang mga kamay nya sa pagkakatali.

"Kanina ka pa pala nandyan, hindi ka man lang pumasok para tulungan tong kaibigan mo, nabugbog na nga syat lahat oh" sermon nya sakin.

Nung inayos ni Maine ng pagkakahiga si Alden, nagulat ako, dahil konting konti na lang, magmumukha ng dugo na tinubuan ng mukha ang mukha ng kaibigan ko, ang dami din nyang sugat sa iba pang parte ng katawan.

"Lintik naman talaga! mapapatay ko tong mga to pag nakita ko ulit sila!" inis kong sabi.

"Baka gusto mo na syang tulungang tumayo ng madala na natin sya sa hospital!" sabi nito.

I was about to carry his head para maitayo sya ng magkamalay ito.

"Si Maine?" mahina nyang tanong na halata namang pinilit lang nya magsalita.

"Hoy, nandito ko, bakit?" masungit na tanong naman nitong babaeng kanina lang, eh, wagas umiyak.

"Okay ka lang?" mahina na naman nyang tanong, and this time, may dugo pang lumalabas sa bibig nya.

"Oo ayos lang ako, wag ka na nga magsalita, dadalhin ka na namin sa hospital!" sabi na lang nya.

Sinubukan nyang tumayo, habang inaalalayan namin sya.

Paglabas namin, iniwan ko muna sila para kunin yung kotse na nakapark sa medyo malayo pang parte.

Pagbalik ko agad naman silang sumakay sa likod. Agad ko rin namang pinaandar ito at humanap ng malapit na hospital. Yun nga lang, napakalayo pa yata namin sa kabihasnan, eh.

"Daliaan mo naman magmaneho Johan, mauubusan na sya nang dugo oh!" sigaw nitong si Maine sakin.

"Couz ano ka ba chill, mabilis na to, baka mahuli ako pag binilisan ko pa" sagot ko naman.

"Alas singko pa lang, wala pang manghuhuli sayo, daliaan mo na, emergency to oh! Isakripisyo mo muna yung license mo if ever" sigaw na naman nya.

Kakasigaw ng babaeng to ninenerbyos tuloy ako lalo,

"Hoy Alden, wag ka matulog, ano ba, gumising ka hoy!!" bigla na lang sigaw ni Maine na lalong nagpakaba sakin.

Kaya naman binilisan ko pa ng konti ang pagdadrive, napansin ko na lang na hawak na ni Maine yung kamay ni Alden habang umiiyak.

After 30 minutes nakita ko na yung hospital.

Agad naman kaming tinulungan ng mga nandun at agad ding inasikaso si Alden at dinala sa E.R.

Si Maine naman, medyo may mga sugat din kaya inasikaso sya ng iba pang mga nurse. Pinasuot ko na rin muna sa kanya yung jacket ko.

After nyang gamutin, kinuwento naman nya lahat ng pangyayare sakin. Kakakwento nya nga, nakalimutan kong itext si Xhia. Pero Ayun after naman ng isang oras nakarating sila dito.

"Gosh, Maine Okay ka lang ba?" bungad ni Ate Nikki pagka-upo nya sa tabi ni Maine.

"Sinaktan ka ba nila? anong ginawa nila sayo couz?" tanong naman ng OA kong girlfriend.

"Hindi ba malala yang mga sugat mo Maine?" tanong naman ni ate Coleen.

"Hoy Johan, bakit ba kayo nandito sa hospital, mukha namang hindi malala yung sugat ni Maine, saka wala ka namang sugat, ah!" tanong naman ni kuya Nico.

"Teka lang, ate, nasan si Kuya Alden?" tanong ni Dean.

"Sya yung nasa ER" sagot ni Maine.

Dahil sa pagod si Maine, ako na ang nagkwento sa kanila ng mga kinuwento nito sakin kanina.

Habang nag-aantay sa paglabas ng doctor mula sa ER si Maine hindi na talaga maalis ang pag-aalala at namumula na ang mata dahil sa pagpipigil sa luha nya.

"Couz, iiyak mo yan, wag mo pigilan" sabi ni Xhia na tinitigan nya lang.

Pero maya-maya lang sabay aabay nang tumutulo ang mga luha nya habang nakatingin lang sa kawalan.

"He saved me, pero sya naman yung nasa danger ngayon!" sabi nya habang nakayuko.

Yung dalawa nyang ate tinatap lang yung likod nya, while itong dalawa nyang kapatid na lalaki ang daming tanong sakin.

"Johan naman kasi, nandun ka, pero nanuod ka lang!" sermon ni kuya Nico sakin.

"Oo nga kuya, duwag lang?" sabi naman nitong si Dean.

"Nga pala namukhaan nyo ba yung mga kumidnap sayo Maine?" tanong ng kuya nya. Umiling lang si Maine

"Ako, navedio ko yung pagdaan nilang lahat sa tapat ng kotse ni Alden." sabi ko saka namin sabay sabay pinanuod yung video na nakuhanan ko.

Habang pinapanuod ito, namukhaan ko yung isang lalaki.

"Babe, sya, parang, parang  namumukhaan ko sya" sabi ko habang tinuturo yung isang lalaki at pinaulit ulit pa namin yung video.

"Sya yung sumapak sakin sa Bar ni Thine" sabi ko habang tinuturo turo pa yung hawak kong phone.

Aba hinding hindi ko makakalimutan ang mukha ng lalaking bitter sa kagwapuhan ko noh, gusto ba naman nyang sirain ang mukha ko.

Asa sya!

God Give me YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon