GGY 51: Blessed

155 4 0
                                    

<Kristoffer's POV>

The night na pinakilala ni Alden sa lahat ng mga taong nakakasalamuha namin sa showbiz ang bagong buong pamilya nya, ay ang gabing sobrang naging mas komportable sya sa lugar na ginagalawan nya.

The network promised na as long as hindi talaga kailangan nila Maine at Reyn na lumabas sa t.v hindi naman sila pipiliting lumabas.

Naging supportive na kaibigan at katrabaho naman ang mga artistang kasama namin. Pinakilala nya si Maine at Reyn sa lahat ng mga co-artist namin, and lahat sila, tuwang tuwa sa natutulog na si Reyn.

At, dahil doon, bumalik na ng tuluyan sa trabaho si Alden. Kasama nga sya sa isang reality show ngayon.

*****

"Salamat sa pagtulong mga bro, ah!" sabi ni Alden samin.

"Ano ka ba, wala yun, sino-sino pa bang magtutulungan, kung hindi tayo-tayo din naman" sagot naman ni Johan.

"Pero Alden, bakit ngayong December pa kayo lumipat? pwede namang sama-sama na muna kayo ng pamilya nyo ngayong pasko" tanong ko.

"Ah, kasi next year gusto naming may sarili na kaming bahay, para yung wedding na lang namin ang aasikasuhin namin" sagot nya sakin.

"Ayun naman pala, eh" sabi ni Johan.

"Guys, kain na muna tayo, I know na pagod na kayo" sabi ni Louise na may hawak na tray na may lamang mga baso, kasama si Rizza, Maine at Xhia.

"Buti alam mo Louise, ikaw lang naman ang hindi pagod dito, eh" pang-aasar ko.

"Nag-uumpisa ka na naman dyan Kris" saway naman ni Maine samin.

"Ayan, kumain ka, ng manahimik ka na!" sabi nya sabay padabog akong inabutan nang platito na may lamang slice ng cake.

"Salamat, thoughtful mo talaga!" pang-aasar ko na naman inirapan lang naman nya ako.

kahit kelan ang pikon talaga nito...

<Louise's POV>

Nandito kami sa may garden ng bagong bahay nila Maine at nagmemeryenda. Hindi kami kasya sa mesang nandito sa labas. Naglatag na lang kami ng picnic mat, kaya naman naging instant picnic ang pahinga namin.

Nakabili na nga pala sila ng bahay, dito sa part ng Laguna. Hindi naman sila nahirapang lumipat, since yung mga gamit na dala nila nung bumalik sila, eh, nasa bahay nila Alden lang.

Maganda nga yung bahay na nabili nila, eh, nasa bandang unahan lang kasi ng village.

Malawak sya, hindi ko alam kung ilang hectare, pero yung bahay, parang tinayo sa isang malawak na damuhan. Napalalibutan kasi ng bermuda grass yung bahay and ang ganda nito tignan, the color of the house blends on the color of the grass.

The color of the gate is shiny black. Yung bahay naman medyo dirty white yung kulay ng labas, sa loob naman sky blue, may third floor pero sa third floor parang rooftop yung dating, may maliit na kwarto  na may malaking clear mirror sliding door. Tapos medyo malawak pa yung space, parang pwede dun mag stargazing habang nagmimidnight snack, or tambayan. Pero pwede din naman yun gawin dito sa garden. Madaming halamang nakapalibot sa bahay, ang ganda lang talaga nya tignan, parang ang saya tumira dito.

May tatambayan na ko pag gusto ko magrelax hahaha.

Habang kumakain kami, yung mga pinadala nila tita Mary anne na kasambahay nila ay inaayos na yung loob ng bahay.

"Kuya Nico, kuya Daniel, ate Coleen, Dean, salamat sa pagtulog sa paglilipat, ah" sabi ni Maine sa mga kapatid nya.

Lahat kasi kami tumulong, parents lang nila ang hindi na nila pinapunta para tumulong. Si ate Nikki naman, nagprisinta na lang na bantayan sila Zia at Reyn together with her child na si Matti.

God Give me YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon